Yan ang madalas kong madinig sabihin ng mga nakatatanda sa mga taong kumukuha sa hapag kainan ng pagkain na hindi naman kayang ubusin.. Siyempre exempted ako diyan, di naman na siguro tinatanong iyon.. kasi ang paniniwala ko, sayang ang pagkain kapag hindi inuubos.. marami daw nagugutom sa mundo.
napa-isip naman ako.. bakit? kapag kinain ko ba ito lahat, mapapa dighay na ba sila? hmmmm.., (pilosopong brian)
sa tingin ko, ang pagiging takaw mata ay hindi lang nababagay sabihin sa mga taong dupang (hehe) sa pagkain, kung hindi sa mga taong bili ng bili o kuha ng kuha ng mga bagay din na hindi rin naman kailangan o magagamit ..,
halimbawa:
si aling mameng na bumili ng isang dosenang arinola sa tiangge, kasi buy 1 take 1.. naman, ano yun? magagamit niya ba lahat yun ng sabay sabay? balisawsaw ba siya?.. pero subukan mo siyang tanungin kung magagamit niya ba lahat yun.. ang isasagot niya sayo eh, " mura kasi eh"
well, well, well.. hindi ko kilala si aling mameng, at wala akong panahon para kilalanin siya.. the point is (english na naman),, nakakatawa lang talaga tayo minsan (ayaw mo? eh di ako na lang, madali lang to kausap),,.
alam mo, hinalungkat ko ang aking mga aparador, at marami akong nakitang gamit na hindi ko na sinusuot o ginagamit.. mga papel galing sa mga exhibit, mapa ng mga lugar na hindi naman balak puntahan, brochure ng mga subdivision sa kalawakan, calling card ng mga taong hindi naman tatawagan, tourist attraction guide sa ibang bansa (props lang) na hindi naman binubuklat, bracelets na madalas binibili sa mga baratillo na minsan lang isusuot..
PLEASE GET ONE - kapag nakalagay na ito sa mga istante ng mga libreng magasin, diyaryo o kahit anong brochure.. nakupo, humanda ka na.. simot agad yan,, anong please get one get one ka diyan.., Kulang na lang, pati yung pinaglagyan ng papel eh kunin.. masyado yatang dinibdib ang kasabihan na "live every moment, as though it was the last", para bang wala nang bukas na haharapin. pero kung iyong pagmamasdan, magiging kalat din yun sa bahay. hehe. peace..HINDI KA NAG-IISA :-)
mabalik tayo sa bracelets na yan, di ko alam sa inyo ha, pero kapag napupunta ako sa mga exhibit kung san san, parang may humihila sa akin na bumili ng mga bagay na yan.. sa hindi maipaliwanag na dahilan eh minsan ko lang maisusuot (o dalawang beses). Pagkatapos noon ,parang ayaw ko na.. parang kapangyarihan na nawawalan ng bisa kapag wala na sa teritoryo, kung pwede lang ibalik sa pinagbilhan.. haha
haay, takaw mata
tanong:
Paano kaya kung tumataba din ang mata dahil sa katakawan?
isa pang tanong:
Siksik sa vitamin A ang kalabasa na alam natin ay pampatalas ng mata.. kapag nasobrahan ba ng kalabasa ay magiging matalim na ang iyong mga mata at maaari kang masugatan nito???
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hahahah specialized hehehe
ReplyDeletehoy kinailangan ko yun.. haha
ReplyDeletehaha dami kong kilalang ganyan...yung iba kasi sa handaan talagang sinosobrahan para may take home..db bro? alam ko alam na alam mo yan. haha
ReplyDeletehaha.. aray naman.. hehe
ReplyDeletewow...galing! writer ka pla brian...me sense huh...
ReplyDeletehaha.. eto yata ang gift galing sa Diyos, ang maging payaso. hehe. check mo rin yung blog ng pinsan ko, si rachel. magaling mag sulat yun..
ReplyDeletei have d same weakness...minsan2. kaya nga...para bang mas safe pang d ka masyadong nag-mo-mall or kung san2 pumupunta kapag wala kang magawa sa bahay or kapag tapos ka ng mag-worship service or kapag nasa abroad ka...mas maganda kung limited lang pera mo sa bawat lugar na pupuntahan mo, so u could at least buy one souvenir lang from d place you've visited abroad. just imagine kung sang katerbang souvenirs iuuwi mo, eh sya pang dagdag da-dustingan or kalat in some part of your house di vah?. my plan, come december, i-dispose ko na sobrang damit, shoes, or anything na talagang d ko na nagagamit at balak gamitin sometime in d future. Parang d na kasi nakakahinga closet ko sa sobrang damit...even mga toys mga bata. kakapagod ng magsinop sa araw2. kakadiri naman kung mata mo eh lumuluwa na sa sobrang kabusugan o sa katakawan sa bawat bagay2 na nakikita. meron bang...lust of the eyes?????????.
ReplyDeletehehehe tama ka ate Malou :)
ReplyDeletehaha.. makes sense. (english na naman)
ReplyDelete