Wednesday, September 10, 2008

Ang walang kakupas-kupas na home shopping networks

Ito'y isang suggested na topic ni ate fibi na asawa ni mykel na tatay ni rr, etc. etc. etc.

Wala akong balak awayin na produkto o ano mang channel, obserbasyon lang po ng isang walang magawa sa buhay kung hindi mang-asar ng mga pikon..

Ang mga home shopping networks ay nagkalat na parang kabute, ang daming binebenta. pampapayat, pampataba, pampa long hair, pampatangkad.. sari sari, parang assorted na iba iba (ano daw?)

Nakaka-aliw lang panoorin minsan ang mga ganito, hindi nga nakakasawa kahit 5 beses yata ulit ulitin ang presyo sa bawat infommercial.

"2, 995"
"that's 2,995"
"again, the price is 2,995" 
"Wow, what an incredible offer"

talaga lang ha?, may butal pang 5 piso ha para maging 3,000 na.. ayun eh, marketing strategy. clap clap clap

siyempre, may pahabol pa yan..

"but WAIT"
"if you call now within the next 10 minutes, we'll slash 500 pesos off"
"giving you the total of 1,495 pesos"
"WOW"

eh di ikaw naman, dali daling hinanap ang telepono sa pag-aakalang matatapos na ang promo at takot kang hindi makahabol.. NAMAN.. sige, maniwala ka. hahaha.. style lang yun. siyempre yun lang ang way para mapatayo ka sa kinalalagyan mo at kunin ang telepono para mag-order..

may sasabihin pa yan na..
'WHAT ARE YOU WAITING FOR?? pick up the phone and call us now"
wow na naman, DEMANDING.. bakeet? close ba tayo?

para bang may surveillance camera sa loob ng bahay niyo na naka hook up sa network nila at alam na alam nila na hindi ka pa interesado kaya panay ang pilit hanggang sa bumigay ka na at bumili ng produkto..

At ang mga nakasubok na "daw" ng mga produkto ay mang eengganyo din sayo na bumili..

May paiyak-iyak pa yan

"After using _______,  (hikbi) my life changed" "Thank You _________, you're the best"

best actress.. pang FAMAS.

May ab roller, ab rocket, ab sculpt, ab cure, ab flex,  aba aba, andami namang abs.. buti na lang hindi ko na kailangan ng mga yan, hello?? 10 pack ang abs nito dong.

Instant fisherman, instant roller, instant lift, instant mami????

HIndi ko naman nilalahat, marami din namang totoong gumaganang produkto na binebenta ang mga spongkel na to,.. alam mo kung bakit ko alam?

siyempre, nakabili na rin ako... woohoo... mga 3 na siguro yun.. secret na lang kung ano yung mga yun.
harharhar..

peace

10 comments:

  1. sauna belt, ano pa ba? mmmmmm yung maliit na sewing machine, ano pa ba yun?? madami e hehhehehe

    ReplyDelete
  2. ANUNSYO SA PUBLIKO:


    BASAHIN!!!!!


    Si Kuya Brian suki ng HOme Shopping Networks... haha

    ReplyDelete
  3. oo, tawag agad para maka-discount hehehehhe

    ReplyDelete
  4. alam mo, "totot" ka dyan. kaka-engganyo talaga. d pa naman me nakabili, muntikan pa lang. Sinusulat ko kasi muna name ng product na bnebenta nila, tapos, kapag nailipat ko ng channel, "it's a mirakol!".....bigla na lang na parang nawawala sa loob ko na bulili...este...bumili ng product n bnebenta nila. Pero, one time, may product cla na nakita ko na bnebenta sa SM pero different brand namae. Ayon, nakabili ako kasi MAS MURA kaysa sa shopping network. Pag uwi ko, sabi ng mga MAGAGALING, "imitation" daw nabili ko kaya mura. Sabi ko naman...so what?. It serves d same purpose at nagagawa naman nung "imitation" yung gusto ko mangyari. Ano yon???. Secret ko na rin yon. he!, he!, he!. PERO kapag pinilit mo ako, sa2bihin ko na rin....bow.

    ReplyDelete