Thursday, September 4, 2008

mga kapansin-pansin at nakaka-aliw na mga eksena ng pelikulang noypi

Hindi ka ba nakakahalata? halos pare-pareho na lang ang istorya ng mga pelikulang pinoy.. (bato bato sa langit, ang tamaan may bukol)

Hindi ko naman nilalahat, mga 98% lang.. pero yun yata ang sikreto kaya panay naman ang nood nating mga tao.. minsan dalawa o tatlong beses pa nating papanoorin ang isang pelikula sa pag-aakalang maiiba ang ending. WOW impossible dream.

uumpisahan ko na mga kabaranggay:

Sa ACTION

1. Ang mga baril ay napakamura at madaling palitan, basta na lang itatapon ng bida o kalaban pagkatapos maubos ang bala dahil alam niyang makakapulot siya uli ng panibagong baril sa namatay nang kalaban o kasama.

2. Ang baril ng bida ay laging bulls eye pag tumama.

3. Ang warehouse o bodega ang tambayan ng mga kidnappers.

4. Nag-uusap sa magkabilang pader ang bida at kalaban bago ang madugong engkwentro,

5. Mga mitsubishi lancer 1982 o toyota corolla 1984 model (ukay ukay) ang ginagamit sa car scenes. At siyempre hindi kumpleto kapag hindi sasabog at tataob ang kotse sa huli. Hindi lang yun, kailangang paulit ulit ang shot na yun sa camera, para bang kinukumbinse ka lang na sumabog na yung sasakyan o sinusulit talaga yung binayad. (kasi mahal yung pagkabili nung surplus na kotse)

6. Ang pinaka-kalaban ay maraming mga galamay (aka - mga bata), at lahat sila ay naka shades palagi at naka leather jacket.

7. Kapag tinamaan ng bala ang kasama o kamag-anak ng bida, maghihingalo ito, PERO, mag-uusap muna sila ng matagal ng bida (mga 2 pahina ng libro) at tsaka siya tuluyang mamamatay habang siya ay hinahawakan sa batok ng bida.

8. Kapag patay na siya, isisigaw ng bida ang nickname niya habang nakatingin sa langit,

9. Darating ang mga pulis, pero tapos na ang laban, andun na lang sila para posasan ang mga kalaban,

10. Nakalimutan kong sabihin, ang kinikidnap pala eh yung leading lady palagi, (istorbo)

11. Wala siyang kwenta sa pelikula, props lang kumbaga,

12. Hindi rin tinatablan ng bala ang bida, kung tablan man SORI.
 

sa DRAMA o love story naman po

1. Ang bida ay mahirap na unat ang buhok, at sa huli ay magiging mayaman at kulot (siyempre).

2. Siguradong maririnig mo sa bibig ng bida ang title ng pelikula (kasama kasi sa script yun)

3. Laging inaatake sa puso ang tatay kapag nakarinig ng bad news, at take note ha, mahuhulog yan sa spiral na hagdanan.

4. Kung iipunin ang luha sa buong pelikula ay kayang suplayan ang buong ANGAT at MAGAT DAM.

5. Ang AMERIKA ay isang bansa na pwede mo lang mapuntahan bukod sa PILIPINAS.
   
    a. kapag hindi na matakasan ng bida ang problema, pupunta na siya ng AMERIKA.
    b. basagulero at walang ginawang matino, dadalhin na siya ng nanay niya sa AMERIKA.
    c, gustong mag-isip isip at mapag-isa, lilipad na rin siya sa AMERIKA,
    d. natanggap sa trabaho, alam mo kung saan? sa AMERIKA pa rin.

6. Mayaman ang isa, at mahirap naman ang isa, pero dahil sa pagmamahal ay sila ang magkakatuluyan pa rin.

7. Ang kalaban ay nakakatakot at malakas tumawa.

8. Ang kalaban din ay mahilig uminom ng alak at laging nakahawak ng wine glass,


at pinaka cute, ang COMEDY

1. May outing sa beach, at sabay sabay pa yan sa choreography ng sing and dance number.

2. madalas ang sapukan, at kapag nahulog ang sinapak sa basurahan, siguradong kagat kagat niya ang napulot sa basurahan (siyempre ipapakita nila yun, sa pag-aakalang matatawa ka naman :-D)

3. kapag naghabulan ang bawat isa (magfa-fastforward ang eksena at may palundag lundag pa)

4. ganun din, pag nakasalo ng ahas ang bida, ipapasa niya yun sa isa pang kasama, at ipapasa din sa isa pa, at sa isa pa. (hanggang sa lumipat ang scene)

5. laging pinagtatawanan ang pangit at mga bungal.

sa totoo lang marami pa yan, pero tinamaan na ako ng antok. kaw na lang bahalang magpuno, tutal ito naman ay sadyang free.

8 comments:

  1. Tama kuya.... Benta ang Blog mo... (Ninakaw ko lang yang salitang yan..haha)

    The best yung outing sa beach at sabay sabay na kakanta... Trademark talaga yun ng pelikulang Pinoy... Talamak sa mga pelikula nila Babalu, Redford White, Dolphy, Andrew E, Blakdyak,Ai-ai..haha

    ReplyDelete
  2. At napansin ko... BAkit parati na lang may:

    2 weeks after
    1 year later...
    MAkalipas ang isang Linggo...

    Ang magaling pa... pag comedy e ninanakaw nila yung mga linya sa mga sikat na pelikula... Recycle ba.. tas tsaka gagawing katatawanan..
    Halimbawa: " Akala mo lang wala, pero meron, meron , meron... "


    At tsaka... Bakit kahit maganda naman ang buhok ng bida e kelangan nya pa ding mag-wig sa pelikula... Pansinin sa mga bagong labas na Love story...haha


    Haba ng comment... gumawa na lang kaya ako ng sariling blog?...haha

    ReplyDelete
  3. nakaka-aliw mga blog mo brotherhood..pero wag ka, mas nakakaaliw nangyayari now dito..la p q time mg-online at bisi-bisihan ako kunware.hehe..dami n nmang kwento. yung blind-item p rin ang bida, san k p? at may bonus pa..hindi yung apelyedo mo ha? pero xempre para may panabla, meron ding super good news. God is good. chika tayo s lunes. ingats kablag.

    ReplyDelete
  4. haha.. sige magkwento ka sisterhood.. chat na lang. tungkol sa blind item. ikamusta mo ako sa kanila jan ha

    ReplyDelete
  5. ang aking adobong pansit, hehe.. salamat sa mga kumento na parang semento ang tibay. haha

    ReplyDelete
  6. May kasunduan yata ang mga gumagawa ng pelikulang Pinoy na KAILANGAN at IMPORTANTE na DAPAT ang TITLE ng pelikula ay mula sa isang OPM "hit" (Maging Sino Ka Man, Kahit Konting Pagtingin, atbp) o di kaya'y mga awitin ni Barry Manilow, David Pomeranz, at kung sino pang mang-aawit na sa kadahilanang hindi na sikat sa US, sa Araneta na lang nagco-concert. :-)

    ReplyDelete
  7. Isa pa: kung sakaling walang awitin na kapareho ng title ng pelikula, siyempre kailangang kuhanin si Joey de Leon, Michael V o di kaya'y si Ogie Alcasid (pag drama), para mag-compose ng theme song with the same title (e.g. Enteng Kabisote, atbp).

    ReplyDelete
  8. haha.. may point ka jan. galing talaga nila

    ReplyDelete