Tuesday, September 2, 2008

mga paboritong palabas ko noon (TV SHOWS)

hmmm.. san ba ako mag-uumpisa? san kaya? siyempre mahirap.. lalo na kung wala namang libangan nun kundi tv lang at mga tigpipisong computer sa kanto (pag 5 minutes na, tutunog na yun).

ang daming palabas nun na nakakaaliw, lalo na pag sumapit na ang hapon, naku marathon na yan. talagang walang kukurap. mamya na ang ligo ligo. nood muna.

wala naman talaga akong paborito na palabas, panay kasi ang lipat ko ng channel, kasi ang daming commercial.. siguro kung aalisin mo yung commercial, baka limang minuto lang talaga yung palabas.. ang tindi, parang lahat ng parte ng katawan ginagawan ng problema para may commercial at sabihin sa tao na, uuy you need this, you need that... naman.. istorbo :-)

pero baka maiba na ang topic, at baka magalit pa ang mga advertisers.. hehe.. joke time lang po. love you all.

naaalala ko pa ang BIOMAN, paborito ko si blue 3.. feeling ko nun ako siya, kaya lang payatitot ako nun (maniwala ka).. hindi ko siya kamukha.. imbes na blue 3, mukha akong buwitre.. huhuhu

syempre, sino pa ang makakalimot kay SHAIDER na ka-look alike ni gary valenciano. at si annie na talaga naman pag nakipag-away eh laging naka maikli na shorts (umayos ka annie!). at kasama pa diyan ang dialogue nma walang kakupas-kupas na "Ihanda ang time space warp, time space warp ngayon din" . nga pala, kamukha din ni amy perez yung nagsalita dyan.

si ULTRAMAN naman at si MAGMAMAN na hanggang sa ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang pagkakaiba bukod sa spelling.. magma fireball.. ayun oh. tutubing naging superhero. mga tao na nagiging giant para kalabanin ang mga nagiging giant din na kasing lambot lang ng unan.

si ASTROBOY na first anime' cartoon. naalala ko pa yan, yung may apoy pa yung sapatos niya.. ano kaya yun? para san kaya? kontra alipunga?

AYAOTD? are you afraid of the dark, yan ang palabas nun every friday.. kakatakot, minsan naman kakatawa.. password ko pa nga yan sa email ko eh (uuy susubukan)

si MASKMAN, na pakiramdam ko ay ang pirated version ni SHAIDER.. hindi ko siya gaanong nagustuhan. hindi kami nagkaroon ng time para magconnect. naks.

ang pinakamalupit sa lahat, eh ang POWER RANGERS, hindi yung ngayon ha. yung dati, talagang dun ko nalaman na magaling pala silang mag-tagalog.. hindi nga lang sabay sa bukas ng bibig.. at isa pang kapansin pansin, mga amerikano sila, pero pag dumating na ang fighting scene, parang nagiging hapon lahat..pansinin mo, pati mga kalaban hapon.. ano yun? sumasakay sila ng airplane mula amerika papunta ng japan para makipag-bakbakan lang? wow. sosyal

kaw ba? ano mga kinalakihan mong mga palabas? Ibong adarna? El Filibusterismo? hehe

27 comments:

  1. dolphy marathon sa channel 9 hehhehe
    at paborito ko si Herbert Bautista ng payat pa siya
    sama mo pa si Roderick Paulate hehehehhe (isang box, galing Japan!!)

    at siyempre sino ba ang di makakalimot sa paborito nating dalawa?? JUlio at JUlia, kambal ng tadhana hehehhehe

    ReplyDelete
  2. oo nga.,. samahan mo pa ng 2 dambuhalang saging,. sina B1 at B2.. bading 1 at bading 2. haha

    ReplyDelete
  3. mabibisto age natin nyan?
    astro boy!!!!!
    channel 9 yun d ba?
    xa lng ang cute na robot na alam ko..
    xempre pa ako c astro gurl d b?(kaw may sabi nyan)

    john en marsha (may rewind sa ibng channel )
    princess sarah ( umuuwi tlg ako frm skul para lng panoorin )



    ReplyDelete
  4. haha,,. naman.. kasama pa ang batang si cedie na walang ginawa kundi mag flute..

    ReplyDelete
  5. hahhaha wow, ib ana talaga ang mga bata hehhehehehhe

    naabutan mo ba ate yung JACK and JILL nina Sharon at Herbert?

    samahan mo pa ng mga pelikula nila AIza at MAtet hehehhe

    ReplyDelete
  6. Matet?.. yung takot ako eh
    hmmm.,. kasama pa si nora aunor dun.. hmmmm walang himala

    ReplyDelete
  7. hahaha...cnb mo pa.....paborito ko din yung line ni Roderock Paulte na yan!!!!!
    ISANG BOX GALING JAPAN!!!!"

    ReplyDelete
  8. well, isama niyo pa ang pagiging petrang kabayo.. haha.

    ReplyDelete
  9. sinung di makakalimot ng mga dance numbers sa dagat? hehhehee

    ReplyDelete
  10. kami libangan namin! kumain ng kumain, sayang hindi kami natuloy sa korean resto!,musta na ang mga friends namin diyan?

    ReplyDelete
  11. hey nanonood din kami ng ultraman,magmaman,shaider at powerranger noon ha! hehehe GBU

    ReplyDelete
  12. haha.. naabutan mo rin yun kuya? hehe.. mag online naman kayo

    ReplyDelete
  13. ah, ako naabutan ko lang yung Final Fantasy Advent Children...
    hehe... actually favorite namin nuon yung Daimos! "Richard? Erika!"
    opsopsops... walang magdedeny alam nyo yan!
    Isama ko na rin yung Knight Rider... naalala nyo din yan diba? aminin!
    Lalo na yung walang katapusang Abangan ang Susunod na Kabanata at
    Okey ka Fairy ko, huh! Laban ka?

    ReplyDelete
  14. oo ate.. yung okay ka fairy ko.. kasama si bayani casimiro jr. hehe

    ReplyDelete
  15. bro kailan ang balik mo dito? w8 ka namin ha! GBU

    ReplyDelete
  16. At huwag kalimutan ang ever-so-cute na boses tuwing sumasagot si Annie kay Shaider ng, "Oo!"

    MACROSS 1 ang second-favorite anime ko. At least dun, tao-versus-alien, hindi ghost or engkanto-versus-alien engkanto. At ang twist sa ending, pinalaking tao lang pala yung mga alien. Or pinaliit na alien yung mga tao??

    At siyempre, VOLTES-5 (buti na lang binalik na nila nung panahon ko, kasi nung sinaunang panahon daw sabi ng kuya, pinagbawal ni Pres. Marcos)... So, everybody now, SING! tantan-tantantantantan-tantan-tantan... ayan, magka - LSS nawa kayo lahat ng BORUTESU FAIBU NI... :D

    Hanggang TV shows lang ba ito? Paano na ang Sound of Music?

    ReplyDelete
  17. hehehe matanda na ako.. Sound of MUsic alam ko din yun hehehe

    ReplyDelete
  18. gawan ko na lang ng blog ang mga pelikula.. hehe.

    ReplyDelete
  19. Usapang matanda... Bawal makisabat ang mga bata...HAha

    ReplyDelete
  20. ahaha..masaya to!
    dami q alalang mga soap opera like Ana Luna, Mara Clara, Valiente (HAHA) tpos Connie Reyes on Camera. db ryt after to ng noon time shows..
    cartoons, fave q ninja turtles at voltes five. Let's volt in! feeling q ako si April, yung reporter n frend ng mga turtles..niloloko p nga nila ako, ako daw si donnatello kc kpngalan q..
    d q rin makakalimutan si Princess Sarah..haha..pati si Nelo, ang taga-deliver ng gatas kasama ang aso nyang si patrash or patras..whatever
    fave q rin batibot! si pong pagong at kiko matsing.
    meron ding ATBP..awit, titik, bilang.. AT IBA PA!
    cguro taka ka y q napapanood to khit may pasok. xempre absent ako madalas. halata ba? wahaha

    ReplyDelete
  21. haha.. absinero ka talaga. umayos ka. hehe

    ReplyDelete