Thursday, September 18, 2008

Sige, kain lang ng kain (eat all you can)

Kainan? game! hehe..

sabi nila, we eat to live, pero bakit ang iba, they live to eat (naman).

Nasubukan mo na bang kumain sa mga restaurant na "Eat all you can"..
masarap, madami, parang wala nang bukas

Mga ilang beses ko na rin natikman na kumain sa mga ganyan, madaming nakakatawa at hindi malilimutang eksena.. hahaha. akin na lang yun.

sabi nila, pag kakain ka daw sa mga One to sawang ganito, dapat hindi ka pa talaga kumakain.. yung parang nag fasting ka maghapon para sa gabi ka lang lalamon..
ayan ang strategy. talaga nga naman.. ang resulta, EMPACHO!

masusulit mo naman ang binayad mo na 699++, 499++ or 110++ kung ganyan ang iyong strategy.. pero kung aaraw arawin mo. naku, baka naman maging kasing laki ng equator ang waist line mo brother.

madaming ulam na pagpipilian: adobong baboy, afritadang manok, kalderetang baka, inihaw na tilapia, daing na dilis, relyenong tinapa.. meron ba nun?

pero may misteryong bumabalot ata sa mga restaurant na ito, (hindi lahat, 90% lang. hehe)
di ba kayo nagtataka at parang mabilis ka mabusog?

sabi nila, meron daw nilalagay na pang-paumay.. ano yun? totoo kaya? are you sure?
eh bakit walang epekto sa akin.. hehe

3 rules pag kakain ka:

1. NO leftovers - bawal daw ang may tira sa plato, kasi madodoble ang babayaran mo.
- kaya siniksik namin noon sa loob ng shell ng kuhol yung mga tira namin..
   
2. NO sharing - bawal daw ibigay sa iba ang hindi mo kayang ubusin, KKB kasi.. KANYA KANYANG BANAT

3. NO take home.. naman, common sense.. kasi pag pwede ito gawin, ilalagay ko lahat sa food warmer namin ang mga ulam at ibibigay sa feeding program ng baranggay.

CLEAN PLATE sabi pa.. aba aba.. ano gusto nila? hugasan ko yung plato ko?

7 comments:

  1. hahaha alala mo nang bata pa tayo?
    Lagi tayong nasa DAD'S Megamall? yeah suo pa megamall noon.. hahaha

    Lagi tayong dinadala nila mama hehehehe

    lugi ang DAD'S sa iyo remember? hahahhaha

    ReplyDelete
  2. ganyan pala trabaho mo ha! kaya pala hindi na sila nag-o-offer ng eat all you can ulit... uy, bro gawin mo naman uli readable yung letters... masakit sa mga sensitive eyes, tulad sa kin. (Naks!) thankS!

    ReplyDelete
  3. paanong readable? lakihan ko? hehe..di ko naman iniiba ang mga font noon pa. hehe.. yun pa rin

    ReplyDelete
  4. kaya naman pala nasilaw ako sa yelong-yelo na fonts ng isa mong blag! wahehehe.. pero ok na din yun kasi mas masaya tingnan... yung dati kasi, manipis ang font tapos red pa... namamaga na nga sa katititig sa screen mata ko eh...

    ReplyDelete
  5. red ba? di ko alam yun ah.. puro kasi white font gamit ko ate. yung standard lang. ngayon, medyo may hepa na, yellow..

    ReplyDelete