Monday, August 24, 2009

Paano na? ang hirap mag-isip lalo na kung hindi mo dapat problemahin..

Paano na?

- Kapag nasunog ang fire station, sino ang reresponde.. mabagal kaya bago matupok(naks) ang apoy? magkakaroon din ba ng nakawan sa loob? oooppss. joke

- Ano ang mangyayari kapag ang mismong jail warden sa isang kulungan ang nakagawa ng kasamaan.. Sino na ang magbabantay sa gate? Yung preso na ba?

-kung ang embalsamador ang namatay? o buhay naman pero naisipang gumawa ng restaurant na may specialty na sisig at bulalo

-naging puti na ang uwak

- ang doctor na mag-oopera sayo ay may takot sa dugo at injection

-ang multo ay takot sa dilim

-nakakain ka ng lason na expired

-kinagat ka ng lamok na naka braces? (may ipin na pala ang lamok ngayon)

-gusto mo magpapayat pero mali ang iyong nagawa.. dahil ang sabi before eating mo dapat i-take ang gamot.. pero na-take mo after... kakain ka ba uli para maging tama na?

-kung mas bata sayo ang nanay mo

-kapatid mo lang ang tatay mo

-uminom ka ng kape at napansin mo na nakalimutan mo lagyan ng asukal? papapakin mo na lang ba ang asukal?

-kumain ka ng dinuguan na walang dugo at cheeseburger na walang cheese..

-kung wala kang magawa, at binasa mo to.. hehe



6 comments: