may mga gamit ka ba sa bahay? (natural)
alam mo ba ang tamang paggamit ng mga ito?
HINDI???
pwes, basahin nang malaman..
Ang REFRIGERATOR - ito ay lalgyan ng mga tirang pagkain na hindi naman balak kainin uli.. dito makikita ang iba't ibang uri ng amag na hanggang ngayon ay hindi pa nadidiskubre ng mga scientist. Hindi tinatapon ang laman nito hangga't wala pang amoy o hindi pa nag-iiba ng anyo (ex. itlog na naging sisiw)
TV - ito ay parang plantsa sa init kapag dating ng alas-syete ng gabi hanggang alas dyes dahil sa sandamakmak na palabas na telenobela na walang ginawa kundi paiyakin ang mga taong manonood sa mga istoryang paulit-ulit lang.. (kinikidnap, nakukunan, sinampal, pinakain ng buhay na manok)
MICROWAVE OVEN - ito ay sinasabing nagpapainit "DAW" ng pagkain.. hindi ko pa napatunayan kung totoo ito.. hindi pala ito madalas gamitin dahil mahal sa kuryente..
AIRCON - nagpapalamig ng kwarto.. pag meron kang ganito, ibig sabihin may SAY ka na sa buhay.. mayaman ka na..at pagdating ng bill ng kuryente.. ayun, namumulubi ka na uli :-).
ELECTRIC FAN - nag-iipon ito ng lahat ng alikabok sa isang kwarto para ihampas sa'yong pinapawisang mukha. hehe
OSTERIZER (blender) - ito ay dumudurog ng prutas, yelo, utak ng baka, kahoy, bakal, papel.. pero hindi rin ito ginagamit ng madalas dahil sa magastos ito sa kuryente. DISPLAY ONLY
OVEN TOASTER - ito ay madalas makitaan ng mumu sa ilalim kahit hindi ito isang haunted house..
(mumu - maliliit na piraso ng tinapay at mga bagay na hindi na alam kung ano, sa tagal ng panahon)
CELLPHONE - ito ay dating hugis pangkayod ng yelo, pero hindi naman ito nagamit sa pag-gawa ng halo halo.. madalas dating nakasukbit sa beywang para ipakitang meron kang celfon sa pag-aakalang maliit lang ang celfon na gamit mo!..
pero ngayon, meron na itong ibang itsura (mas maliit) at marami pang gamit.. may calculator, still camera, video camera, calendar, games, at weighing scale..
BEEPER - pwede pakitapon na please.. please lang
sa susunod na yung iba..
peace.. hehe
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
AIRCON - nagpapalamig ng kwarto.. pag meron kang ganito, ibig sabihin may SAY ka na sa buhay.. mayaman ka na..at pagdating ng bill ng kuryente.. ayun, namumulubi ka na uli :-).
ReplyDeleteBRILLIANT!..haha
hahahah.galing talaga!! hehehe
ReplyDeleteWater dispenser and Coffermaker ... pang display din kasi mahal kuryente
ReplyDeletecorrect.. hehe. for display only
ReplyDeletedito sa bahay...
ReplyDeletestepper at stationary bike
FOR DISPLAY ONLY... kahit di naman ginagamitan ng kuryente..wahahaha