Wednesday, December 24, 2008

Puss in belt..

Sa pagbasa mo ng blog na ito, siguro napapaisip ka kung bakit yan ang title, hmmmm.. pero bago ko ikwento, binabati ko kayo ng MERRY CHRISTMAS.. regalo ko?

May aaminin ako, mahilig ako sa hayop, (hayop na mukhang tao, at tao na mukhang hayop.. haha) .. 5 ang aking aso, na nadagdagan pa ng 5 pa na mga tuta.. At isama mo pa si osama.. Si boots at isang pagong na hanggang ngayon ay hindi ko mabigyan ng pangalan dahil hindi ko alam kung boy o girl..

Mahilig ako sa aso, at tulad ng aso, AYAW KO NG PUSA.. nadudumihan ako.. Di ko sinasabing malinis ang mga aso, pero para sa akin mas ok alagaan ang mga ito.. Pasensya na lang sa mga mahilig sa pusa, di ko kayo inaaway.. pero kung gusto niyo ng away, ibang usapan na to.. peace tayo :-)

 BABALA SA MGA KUMAKAIN..

Ayaw ko talaga ng mga kuting at malalaking pusa, lalo na pag naiipit sila sa FAN BELT ng VAN namin.. sabi nga ni MIke Enriquez.. KADIRI..!!

Ganito kasi yun,

Kadarating lang namin kahapon mula sa bagabag (di mo alam kung san? punta ka dito santiago, turo ko sayo..).. Nagpahinga ng konti sa church ng mga 5 minutes bago umuwi..

Pero nang -start na ni Winston ang sasakyan, biglang may narinig kaming ingay sa ilalim ng sasakyan.. (ang hirap naman isulat ng sound epek...)
PInatay agad ni winston ang makina, at chinek ang ilalim, wala namang pagbabago.. 

Nalaman na lang namin ang totoong nangyari kaninang umaga ng binuksan ni winston ang makina.. at yun, bumulaga sa amin ang isang kahindik hindik na itsura ng pusa.,.

(mamili ng reaksyon sa mga sumusunod)

pa-sosyal -- eewwwww, gross..

simple lang -- wow siopao,..


Kawawang pusa, nawalan ng silbi ang 9 LIVES..


haha.. merry christmas :-D

9 comments:

  1. hahahaha loko ka talaga.. hahaha

    eewwww gross ahhahahaha

    Wow SIOPAO, SIOPAO ( winston style) hahahhaa

    ReplyDelete
  2. hahaha wawa.. lagot kayo k hello kitty...

    ReplyDelete
  3. Kuya, di ko pa kse nabasa buo, .. ginamit nila tita H ang kompyuter.. haha

    pwede ko ba i-post dito yung picture ng "Chunky Siopao" sa kanto ng eastriverside?.. Sakto yun sa blog mo..haha

    ReplyDelete
  4. yuck ka pusit.. haha.. masarap ba? hmmmmm

    ReplyDelete