Wednesday, December 24, 2008

Ang misteryong pangalan ng isang isda..

Medyo kakaiba ang title ng aking blog.. syempre para naman maglulundag at mag-somersault ang aking mabibilang sa paa ng caterpillar na fans (oh yeah)..

Ang tagal na naman na hindi nakakasulat, PERO wala naman akong balak manghingi ng paumanhin o "sorry" ..bakeeet? 
may deadline ba?
may quota ba sa isang linggo?..
demanding donya buding.. 

Minsan kasing kumain ako ng isda, ang "dalagang bukid".. naglaro sa aking isip ang mga dwende(haha).. joke.
May mga katanungan lang na gusto ko masagot, para maging mahimbing na ang aking pagtulog..

Eto na mga brotherhood..


Una, bakit siya tinawag na Dalagang bukid?

Pangalawa, Ano ang tawag pag batang isda pa lang siya? bunsong bukid??

Eh paano pag lalaki naman? Binatang bukid?

Pag alanganin sa pagka-isda (hindi naman kasi bagay kung sabihing PAGKA-TAO) ? hmmm.. darnang bukid?? peace.. hehe

Sa bukid lang ba siya matatagpuan?

Meron din bang dalagang dagat? o dalagang ilog? imburnal?


Paano naman kapag kinasal na siya?? Misis bukid na ba ang tawag sa kanya?


you know.. :-)

Kahirap isipin, istorbo..




19 comments:

  1. oo nga no? ngayon ko lng din napagtanto yan, pano nga kaya kung kinasal na tapos mabyuda pa..e di byudang bukid? ;o) masyadong malalim ang paguusap na eto, kailangan na ng eksperto. manawagan ka na upang mabigyan na ng LINAW ang lahat.... hehe o kaya tanong mo kay sister pusit, medyo close relative nya ang mga yan...malay natin siya lang ang may hawak ng kasagutan.hehe

    ReplyDelete
  2. tawag ko diyan PINK FISH hehehe di ko tinatawag na dalagang bukid... hehehehe oo nga napaisip ako dun ah... mmmmm

    MAY FOINT KA hehehe FFFFFFFFFF

    ReplyDelete
  3. malalim.... bakit nga kaya? eh sa dagat naman siya nahuhuli at kapag tumanda na spin(sh)ter na siya. Kapag nagka anak na at d kasal ay single parent na 4ever dalaga

    ReplyDelete
  4. Ay.. ngayon ko lang nabasa ng buong buo..haha


    Ganto kse yan..

    Ayon sa aking ginawang pagsusuri kasama ang aking mga kaibigan mangingisda at lamang dagat, DALAGANG BUKID ang tawag sa isdang iyon sapagkat.....

    Teka muna, e pano mo muna pala malalaman kung babae o lalake yung isda?


    Yun muna dapat pala ang pag-isipan e..tsaka pano pag di nya pa matukoy ang gender nya.. pano kung ate pala sya na kuya o kaya kuya na ate?haha



    ReplyDelete
  5. tinatanong ko kay papa e.. baka sakaling napapag-usapan nila yun sa trabaho..sabi nya e dapat nga daw may binatang bukid din.. haha

    ReplyDelete
  6. naku naabot na batitaktakan sa PAL mamya sa Bulihan na hahahhaa

    ReplyDelete
  7. may point ka brain! galing mo talga! haha.,,, Rachel a.k.a ate! tindi, cgro anytime may pagpupulong na sa PAL! waah!

    ReplyDelete
  8. Ay naku.. palagay ko kuya , isa lang makakatulong sa ating lahat..

    Si BALITE GIRL..

    itanong mo sa sa alamat expert yan..haha

    ReplyDelete
  9. hmmnn,, sn ko sya makikita?? haha,,

    ReplyDelete
  10. Ayon sa AquaticDictionary.com (ehem akala mo matalino, marunong lang pala mag-Google), ang totoong pangalan ng Dalagang Bukid ay Mottled Fusilier. Hindi ito mabigkas ng mga Pinoy, kaya noong presidente pa si Manong Ferdie, naisipan nila ni Madam Meldy na mabigyang parangal ang pinaka-unang pelikulang Pilipino na pinamagatang - (tantararan) - "Dalagang Bukid." Ang paraan ng pagpaparangal? Binansagang "Dalagang Bukid" si Mottled Fusilier, nangsagayo'y laging maaalala ng mga Pinoy ang Pinaka-unang Motion Arts Picture ng Pilipinas, sa direksyon ni Apong Jose Nepomuceno, istarring Madame Atang de la Rama (na naging National Artist nung presidente naman si Tita Cory). Ayos ba? Di ko lang sure kung totoo ito ha. Haka-haka ko lang.

    ReplyDelete