Monday, November 17, 2008

Mga imbensyon ni manong

Matagal na pala ang huling paglagay ko ng "bleg", panahon na para mag-sulat muli ng walang kawenta kwentang artikulo. naks.. artikulo daw..

Hindi ako imbentor,.. pero kung sakaling mabigyan ng pagkakataon na maka-imbento eto lang ilan sa mga gusto kong imbentuhin para kahit papaano eh magulantang ang ating mga tahimik na buhay.. hahaha

Ang LISTAHAN,

HOSELESS DEXTROSE
.. - San ka pa?? Istorbo kasi ang hose, lalo na kung jijingle bells ka.. gets mo? Isama mo pa ang bitbit mong stand na parang may hawak kang estatwa. Pero siguro nagtatanong ka nung saan ilalagay ang bote ng dextrose.. hmm.. eh di sa kamay.. hahaha

10 wheeler na dipidal - sabi nila tataas daw uli ang presyo ng gasolina at diesel sa susunod na taon, eh di tamang tama ito... di na kailangan ng petrolyo para umandar.. ang kailangan lang ay ang iyong mga paa.. oh yeah.. (flintstones)
WARNING: KALYO ang abot ng paa mo..

MOLAR TOOTH CELFON - ang ideya (oohh ideya, datapuwat subalit)  ay galing kay Boy Baldomaro (hindi yung kontrabida), .. itong celfon na ito ay hindi na kailangan ng charger.. laging may signal at hindi nauubusan ng load.. (sarap naman)
may slight problem lang : Imagine mo nga kung may kausap ka, gamit ang iyong molar tooth celfon.. at hindi pala ikaw ang gusto niyang makausap kundi ang kasama mo.. Sige nga, ipasa mo nga ang iyong phone. eeewwww :-)

PANGET DETECTOR - salamat tito boy sa gadget na to. hehe. Ang tunay daw na kagandahan ng isang tao ay nakikita sa loob.. talaga lang ha.,.. hahaha..
Ang gadget na ito ay ginagamit sa mga oras na hindi mo alam kung ang isang tao ba ay maganda o panget.. Kapag tumunog ng malakas, ibig sabihin yun na yun.. pero pag hindi tumunog, baka low batt.. check mo

KUNTADOR NG KURYENTE NA INSERT COIN - ang taas na ng singil sa kuryente, kaya dapat magtipid.. tutal nauso na ang videoke at music box na tig 5 pesos kada kanta.. naisip ko, maganda kung meron din ganito sa kuryente.. prepaid kumbaga ang kuryente..
BAYAD MUNA BAGO NOOD TV, KINIG RADIO, ANDAR REF...
ang saya nun. wahaha

ang dami ko pang gustong imbentuhin, pero tama na muna ito..
tsaka na yung

solar flashlight

uling generated computer

chopstick, toothbrush, coffee mug, ballpen na pang left handed

kanal water purifier

yan muna mga fans... (talaga lang ha,.. hahaha)

 

7 comments:

  1. nabuhay ka? hehehe

    tindi ng mga imbesyon mo hehehee pinag-isipan :)

    ReplyDelete
  2. haha.. salamat. hehe.. nadownload ko na finger of God.. thanks sa link :-)

    ReplyDelete
  3. sa wakas at sinulat mo na din to.. ang tagal ko kayang inabangan kuya..

    paborito ko pa rin yung kuntador ng kuryente na insert coin... the best..haha

    ReplyDelete
  4. ako ang magpapa-patent pag na imbento mo yung kanal water purifier. Go!

    ReplyDelete
  5. haha.. actually gumagana na yan ate.. kaya lang may after taste pa eh.. hehe

    ReplyDelete
  6. rakel, magsulat ka naman ng bleg sa aming probinsya.. haha

    ReplyDelete