Friday, October 24, 2008

Ang pagbabalik ni bleg boy,,

Hi mga fans, (boots, bruno and ben10).. medyo matagal na rin akong hindi nakakasulat ng blog.. nakakamiss din. kasi naman these past few days (yeah nosebleed), di ako masyado
nagchecheck ng mail at multiply. Di ko alam kung bakit, siguro nagpapamiss lang :-)

May mga katanungan sa aking isip na hindi ko masagot-sagot, baka ikaw alam mo



Bakit life jacket ang binibigay sa pasahero ng eroplano kapag malapit na mag crash, di ba dapat PARACHUTE???



Paano ba mag-duet ng mag-isa?



Pwede na ba tayong mag night swimming ng umaga?



Bakit hindi nakakatawa si Joker?



Naniniwala ba si Superman sa mga maligno kaya nasa labas ang underwear niya?



Nabusog ka na ba sa sobrang gutom?



Kelan ka huling nagpapicture ng 1 x 1 whole body?



Totoo bang safeguard ang sabon ng ating konsensya?



17 comments:

  1. Kahapon. :-) Mas cute ako tingnan sa 1 x 1 eh.

    ReplyDelete
  2. Sa wakas!!!... Nag-bleg ka na ulit... haha

    Inaabangan ko kaya Kuya na ilabas mo lahat ng pinangako mong Bleg nung andito ka... haha


    At Nag-isip tuloy ako...

    Nabubusog ba ko sa sobrang gutom?...haha

    ReplyDelete
  3. Nag sasabon pala konsensya no.. Di ko alam kc wala ako nun. hehehe

    Joke lng..

    ReplyDelete
  4. Hoy kuya... ang sabihin mo, hindi mo gusto ang safeguard kse CAMAY ang favorite soap mo..haha

    "Buksan natin yung triangle para makuha natin yung cream"... Haha

    ReplyDelete
  5. hahahah yun din ang alam ko nun sa CAMAY hehehe kala ko nabubuksan yun tapos may free na cream heheheheh

    ReplyDelete
  6. haha... ginamitan pa namin ni kuya ng kutsilyo yun para lang mabuksan pero wala namang cream sa loob..smart di ba..haha

    ReplyDelete
  7. at least walang hipon sa loob ng sinigang mix.,. haha

    ReplyDelete
  8. at least walang hipon sa loob ng sinigang mix.,. haha

    ReplyDelete
  9. yan din ang akala ni brian noon. nagalit kay mama nang buksan ang sinigang mix na walang laman na hipon hehehehehe :) palaisipan talaga, BAKIT WALANG HIPON??? huhuhu

    ReplyDelete
  10. Mas benta yung sa sinigang mix... di ko kayang pantayan yun...di ako matigil kakatawa..haha

    ReplyDelete
  11. o di ba??
    hehehe

    teka, nasan na nga ba yung HIPON??

    ReplyDelete
  12. "Paano mag duet ng mag-isa?"

    Madali... i painting mo ang kalahati ng mukha mo na parang babae sabay mag Doble-Kara! bwaahahahahahah....

    ReplyDelete
  13. haha.. mukhang mga gawain niyo talaga yan. hehe

    ReplyDelete