Wednesday, December 31, 2008

Putok me not!

Yehey,... ilang oras na lang at magpuputukan na naman ang mga dragon fireworks ng kapitbahay namin (ubos na naman pera nila, haha) .. Magpapalakasan na naman ng ingay ang mga kwitis na puro suyot (puro papel, walang pulbura).. At maglalabasan ang watuzi na puro lason.. haha.

Ewan ko ba kung bakit, pero hindi talaga ako mahilig sa paputok, naiingayan ako (natural)..

Alam niyo ba na kaya daw nagpapaputok ang mga tao para salubungin ang bagong taon ay para pang-kontra o pang-alis sa masasamang espiritu..

Ahhhh... ganun pala yun..

Eh bakit pag may sinasaniban ng masamang espiritu na isang tao, wala ka naman makita na naglalabas ng fountain, picolo o baby rocket man lang habang dinadasalan para umalis ang istorbong spirit.. hmmm,.. napa-isip ka no? haha

Sabi sa akin ng isang kaibigan, wag ka daw sasalubong sa bagong taon ng wala ka pang girl friend, ka m.u., sabit o syota (eewww), kasi daw buong taon kang walang magiging relasyon..
hmmm, talaga lang ha,  alangan namang mag-hanap ako ng babae sa tabi tabi diyan at gawing partner bagong mag-new year.. hahaha

Heto ang binanggit naman sakin ng aking lola:
Wag na wag kang magcecelebrate ng new year ng hindi mo kasama ang pamilya mo, dahil buong taon kayong hindi mag-sasama.. talaga lang ha? hehe..
tutal naman ay may lahi kaming chung ching (a.k.a chinese, by matthew) eh di sa chinese calendar na lang tayo mag-babase ng umpisa ng taon..yehey hindi pa february, kaya hindi pa new year..  KUNG HEI FAT CHOI.. yahoo


Ganito yata talaga ng epekto ng mga walang kasama na sasalubong sa bagong taon,.

sige uubusin ko na lang muna itong chicken inasal..

Happy New Year everyone..

i love myself.,. you know why? because i don't have a choice.. hahaha

8 comments: