Sunday, June 21, 2009

meron kayang ganito? hahahaha

kulitan sa txt... hahaha

Boy: Love kita
Girl: Tlga?
Boy: Yup
Girl: Patunayan mo
Boy: ha?
Girl: Patunayan mo na love mo ako
Boy: Sige
Girl: Sige na ano?
Boy: Sige na, patutunayan ko na love kita
Girl: Bakit?
Boy: Hindi ko alam, sabi mo kasi eh
Girl: Ano sinabi ko na ano?
Boy: hehehe,,
Girl: Bakit ka natatawa?
Boy: Bawal?
Girl: Galit ka na ba?
Boy: LQ na tayo..
Girl: LQ?
Boy: Long Queen..
Girl: Ano yun?
Boy: Di ko rin alam eh.. basta pangit daw yun..
Girl: Sinong PANGIT?????
Boy: Yung LQ nga
Girl: ah.. ang alam ko kasi LK..
Boy: LK?
Girl: Lovers kwarel..di mo ba alam yun?
Boy: yun pala yun.. teka..ano ba tayo? lovers o kwarel?
Girl: NA
Boy: NA?
Girl: Non addictive
Boy: sa bagay, ako rin ayaw ko ng bawal na gamot..
GIrl: Yes koreks ka jan., mas mabuti pa yung clean slate,,
Boy: baka naman clean living,,
Girl: Clean living? hello?? ok ka lang? magazine kaya yun.. kasama ng good housekeeper at OHM..
Boy: Sorry ha, di ko kasi alam..
Girl: dapat lang, kala mo kasi bobo ako.. hindi yata.. top 10 ang IQ ko..
Boy: above average ka?
Girl: hindi, general audience lang..
Boy: General audience? ha?
Girl: hay naku, do i need to explained everything? general audience.. ibig sabihin normal lang..
Boy: yun pala yun.. linawin mo kasi..
Girl: malabo ba mata mo?
Boy: Hindi ah.. 10:40 vision ko..
Girl: ganun? ang taas naman.. bakit hindi mo subukan mag contact number..
Boy: ayoko.. mahal yun eh.. tsaka mas bagay ko yung naka sunglass, may kamukha daw akong artista..
Girl: talaga? sino naman,,
Boy: Si harry the potter.
Girl: Uuuy, favorite ko yang movie na yan.. lalo na si FRODO..
Boy: Ano ka ba? Sa Lord of the dance yun..
Girl: Mali ka na naman.. may ring kaya yung title ng movie na yun..
Boy: Oo nga pala,. hihihi... The RING..
Girl: Jackspot..
Boy: zzzz.. antok na ko, sleep na tayo
Girl: Sige, sleepy tyt na rin ako eh,., swiss drims to you and likewise..
Boy: awwwww.. ang sweat mo naman.. tayo na ba?
Girl: Di binibigla yan, pagisipan ko muna ng matagal..
Boy: Maghihintay ako..
Girl: talaga? sige tayo na..

HAHAHAHA

trip trip trip

15 comments:

  1. ikaw gumawa nito no?? hahahhaa grabe nakkatawa talaga!! gawa ka pa ng madami.. mangiyak ngiyak ako dito sa katatwa

    ReplyDelete
  2. hahaha.. naisip ko lang kagabi.. pinapasaya ang sarili...

    ReplyDelete
  3. bakit malungkot ba ang sarili? hahaha

    naghhanap ka talaga ng ganyang katxt?? hahahah
    katakots hehehe the best yung CLEAN LIVING, yung kasama ng OHM magazine hahha

    ReplyDelete
  4. kaw talaga!. napagbibintangan na ako ni kuya freddie mo na "nababagtit" na daw me. tawa kasi me ng tawa sa harap ng computer.

    ReplyDelete
  5. ate ako din tawa ako ng tawa grabe sa blog na ito..

    ReplyDelete
  6. grabe ka talaga brian. pati ako tiningnan ng masama ng mga estudyante na katabi ko sa comlab habang napahagalpak ako ng tawa!! imaginin mong teacher ang tingin sa akin di2 pero nagmukha akong ewan
    siguro based on your experience itong texts ano? wahehehe

    ReplyDelete
  7. Galing.. Ang smarte naman ng mga bida sa sinusulat mo kuya..

    Hindi lang pang GENERAL AUDIENCE ang IQ..haha

    ReplyDelete
  8. hahaha.. salamat ate muty.. ur one of us. baliw na rin. hehehe

    ReplyDelete
  9. ayos to. gawa ka ng compilation ng best of albrainy... tingnan natin kung sino ang di mapaihi sa kakatawa :D

    Sana ito na lang ginamit na dialog ni Sam and Mikaela sa Transformers 2...

    ReplyDelete
  10. hahaha.. pwede pwede.. tagal na di nakagawa blog. tnx sa comment ate bituin

    ReplyDelete