Thursday, January 1, 2009

"TRAVEL LIGHT"... ha??

Madalas kaming mag-byahe (hindi naman oras oras).. pero dahil wala kaming mga kamag-anak dito sa santiago.. di nabubuo ang isang buwan na hindi kami lumuluwas. para makipagkita, mag-shopping kuno at magmiting mitingan. hehe. joke.

Ako lang siguro ang hindi mahilig sa pamilya namin na bumyahe, pero na lang kung sa eroplano.. haha. yeah. ayos yan, kahit byaheng timbuktu pa.. game tayo diyan.

Siguro nasa dugo ko na ang mag-impake ng pagkarami-raming damit at kung anu-anong mga gamit..

Hindi uso ang "TRAVEL LIGHT" sa akin.. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero sa aking pag-obserba, hindi lang ako,, halos  lahat kami.. (hmm.. nagtira pa. hehe)..

 
Dala-dala ang buong cabinet, sandamukal na toiletries, sapatos na ga-barko sa laki, at kung ano ano pang mga abubut.. mga bagay bagay na kasama kong pumapasyal lang.. hehe

Pag-isang araw ang byahe, isang bag..
Pag dalawa, dalawang bag..
hehe.. hindi naman..


Basta.. siguro.., sinusulit lang ang byahe (gasolina o krudo, driver, space sa sasakyan).. kawawang sasakyan, umiiyak sa bigat, hehe..

Buti nga at Van lang ang sasakyan namin eh, paano na pag ten wheeler?? eh di para kaming naglilipat ng bahay o nag akyat bahay tuwing lumuluwas?? asus..

Naalala ko tuloy dati ang sinabi sa akin ng isang nakatatanda.. (peace),..

Siya: Oh, bakit ang dami mong dalang damit?

Ako: Kakanta po ako,..

Siya: Eh sa PLAZA ka lang naman kakanta..

Ako: sabi ko nga eh.,.


travel light... bow,..

9 comments:

  1. kuya.. ako din, wala yan sa bokabularyo ko..

    Anak ako ni Amelita .. haha

    ReplyDelete
  2. o nga.. naalala ko tuloy yung nag - EK tayo tas dala natin yung buong kusina.haha

    ReplyDelete
  3. hahahha oo nga, ako nga isa pa lang ang anak ang dami daming bags na dala lagi.. kase mamya, mag-uu, umihi, mapawisan, magutom, ma-bore, matulog, at kung ano ano pa, kya madaming dala.. laruan, books, mga damit na pangluwas... di talaga uso ang travel light hahahhaa

    ReplyDelete
  4. haha.. oo, yung sa EK.. may chopping board pa ata..

    ReplyDelete
  5. ilabas na ang kanin ( rice cooker)!!! chichirya ni tita abeth, ketchup ni brian, mangga at bagoong, hahahhaha asado ni tita abeth samahan pa ng embutido!!!!!!!!!nakakatakam!!! ilang basket at hamper ba ang dala natin noon??? at napkadaming softdrinks!! may waterjug pa hehehe sagana sa pagkain, ayaw natin ng TIKI TIKI at BUDGET MEALS bwahaha

    ReplyDelete
  6. well, walang tatalo sa EVERLASTING ng canyon woods.. haha.. rakel

    ReplyDelete