Aba aba.. ano etong nabalitaan kong muntik nang makawala ang pinakamamahal kong mengki??? is that true doctor? really? hmmm ..,
boots umayos ka,, baka gusto mong ibalik kita sa maragat at kumain na lang ng kalabasa at kamote buong buhay mo.. behave! hehe
kung bibilangin ko sa daliri kung ilang beses nang muntik makawala yang si boots na yan eh, mga 6 na.. o 7 na ata.. isa ka talagang UP boots (ultimate pasaway)... eto ang mga dahilan kung paano siya nakakawala:
1. kasi minsan niluluwagan niya yung kadena niya.. siguro dahil lumalaki tyan niya sa sobrang dog food (feeling aso)..
2. naglalambitin siya hanggang lumuwag ang kanyang belt
3. kinakagat niya ang kanyang tali hanggang makalas dahil nagsasawa na siya sa kakatitig sa 2 aso na DALMASKAL (dalmatian / askal)
4. nasasabit siya sa puno dahil sa katakawan.. (pati dahon kinakain)
di ko rin maisip kung bakit pag nakakatakas siya.. andun lang naman siya sa garden.. siguro takot lumabas ng bakod dahil alam niyang baka siya naman ang gawing dog food ng kapitbahay..
marahil ay nagtatanong ka kung bakit ang title ng blog ko eh may pa Hayskul hayskul musical pang nalalaman.. ganito yan, kasi di ba nga, "breaking free" yung title ng isang song dun..
di mo pa rin gets? kasi di ba breaking free, sa tagalog eh parang nakalaya o lumalaya.. alangan namang prison break, hindi naman prison ang bahay namin at lalong hindi naman pugante si boots.. di rin namang pwede na lunch break o coffee break o kahit break a leg,, ngek pangit.
palitan ko na lang kaya yung title, alam ko na... BAKTOL.. eeewwww..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
huh?? pangalawang beses na nakawala.. hinahanap ka na ng MENGKEY mo duh!! hahhahahaha uwi ka na kase
ReplyDeletehaha.. misis uwi umayos ka
ReplyDeleteayan miss ka na ng menkey mo pano yan hinahanp na ang paglalambing mo! hahaha!!! GBU
ReplyDeletehaha.. sori pero habulin niya ko.. hehe
ReplyDeletebaka naman kasi hinahanap na ni Boots si Dora... Hindi yung explorer na negra ha... Si dora na kapitbahay dito na nagtitinda ng ice..yung kapatid ni uking at kras ni kuya roby...haha
ReplyDeletehaha.. oo, o kaya naman si jolaka
ReplyDelete