Gusto mo ba ng bagong kotse?
bahay?
business?
cellphone?
arinola?
Marami nang maging milyonaryo....
hahaha..
biro lang.. at least napatingin ka rin sa blog ko.. sus! aminin mo na, gusto mo lang ng sadyang free.. haha. peace.
eto na ang kwento,
Nung saturday ako ay nag-ayos ng gamit at nagpunta ng central terminal sa four lanes dahil papasyal ako ng tuguegarao.. Pagdating pa lang ng terminal, sinalubong na ako ng konduktor / driver / tripulante / pugante (hehe).. Sabi niya, "San ka?". "Tuguegarao via roxas", sabi ko. "Dito ka na".. Pag-kita ko pa lang sa sasakyan, napa-isip tuloy ako (umaandar pa kayo to? waah)..
Hindi naman ako nanlalait, pero parang ganun na rin :-). . Na-imagine ko tuloy ang mga sasakyan sa pelikula ni Lito Lapid.. haay.. nyehehe.. Pero, it's a mirakol, umandar naman..
At ang masaya pa, dun ko lang naisip na ang maximum seating capacity ng isang van ay 18 at hindi 12.. naks! san ka pa? pang guinness na to!.. SULIT na ang gasolina mo brother.. harhar.. Pero si brother, nakakabilib, gentleman talaga. Tuwing may magsasabi ng "Manong PARA", bababa din si brother, bubuksan ang sliding door na parang rubix cube sa hirap buksan para lang makababa ang pasahero.. bubuksan din ang likod ng van para ibigay ang "luggage" (sosyal) at tsaka hihingin ang bayad.. para siyang kape na 3 in 1 (driver, konduktor, bellboy? hehe).. clap clap clap.. well well well.. enjoy ang trip kasi enjoy din mga kasama ko sa van, naalala ko yung katabi ko nun, parang 2 liters yata na chuckie ang ininom.. Aba! at parang kulang pa ata, kinain naman ang piattos, di pa pinatawad, inilabas pa ang bread stix.. grabe, si pacman nabuhay (buti na lang mahina ako kumain). haha..
yun lang.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
finally! a comment worth reading. wahaha ;o) haha alam ko yan byahe na yan! buti di k binaba kung san parang kami ni te lani. hehe keep it coming big bro! hehe
ReplyDeletehi brainy!!aliw
ReplyDeleteyeah.. doc fe, lagyan mo naman ng pic yang primary pic mo.. para kang wanted,, hehe
ReplyDeletehahaha miss u na.kakatawa naman ng VLOG mo hahaha miss u all
ReplyDeletehahaha... no comment? nice my bg bro! :) galing2!! words of realization naman na toh.. tpos na wrds of wisdom sa previous blog! hahaha,,, so,, buhay ang fans club namin! wohoo!
ReplyDeletehi brainy!hayan hindi na ako wanted.wanted lang kay Taning. general pa ang bodyguard!!see you soon bro
ReplyDeletehehe,, c u soon hk pepol.. pepol daw o,.. hehe
ReplyDeleterather interesting...I would say....stimulating...har,har,har. Feel mo na ngayon ang hamon ng pang araw araw na buhay ng isang manlalakbay sa gitna ng nagtataasang halaga ng gasolina,bilihin, pamasahe,matrikula, at presyon ng dugo. Nawa'y patuloy kang magbigay ligaya sa mga kadaupang palad mo at lalo pang mamukadkad ang busilak ng iyong pagibig.......kay Hesus.......Nagmamahal , ang iyong itay
ReplyDeleteEto lang masasabi ko...
ReplyDeleteLITO LAPID = Master Stuntman = BEN TAMBLING
Woohoo!!