Friday, February 19, 2010
sino ba ang dapat sisihin?
kung bakit itim at uwak?
pero hinihintay mo maging puti..
kumain ka ng panis na ulam at hilaw na kanin.. (hilaw? - hmmmm.. eh di hindi pa dapat tawagin na kanin, "binin" o kaya "kagas" na lang (bigas at kanin na pinag-sama)
nasa loob ka ng isang airconditioned room nang may nagrelease ng chemical weapon (you know...)
at ang masaklap.. walang umamin, (eh 2 lang kayo sa kwarto)
nakainom ka ng lason na expired
na-empacho ka sa sobrang katakawan
kung akala mo na-late ka na sa party pero pagdating mo sa venue, bukas pa pala yung party..
malay ko, basta wag ako sisihin mo.. siya, hindi... siya ang sisihin mo,..
wow men, labo :-)
may kilala ka ba na?
gusto ang amoy ng gasolina
kumakain pa rin ng cerelac kahit hindi na bata.
nilalagyan ng alcohol ang kama bago tulugan
hindi umiinom sa baso ng iba kahit magulang, kasintahan o kapatid
ayaw sa mga coins
kumakain ng caramel sundae with ketchup
at lahat ng karne (kahit may sabaw), dapat may ketchup
magulo matulog.. sobraaaaa
allergic sa sili pero mahilig sa maanghang..
takot sa dugo at injection
tumatawa kahit mag-isa
hmmmmmm...
ako meron :-)
Wednesday, February 10, 2010
wacky tayo..
ehem..
pansin niyo ba? laging may wacky shot pagdating sa kodakan...
ewan ko kung bakit..
pero ayaw ko nang magdunung-dunungan.. basta, ang sabi nila excuse lang daw ng mga pangit yan..
kasi daw, lahat ng mukha ay deformed kapag wacky shot.. hindi halata ang kapansanan..
"WACKY TAYO".. sigaw ng hindi kapansin-pansin na kawawang paslit.. hehe
kaya next tym na may kodakan, ayaw kong ako ang magsabi..
hihintayin ko na lang may sumigaw.. "TARA, WACKY NAMAN"
mahirap na, baka mapagtawanan. hehe
PAALALA LANG:
hindi ako against sa wacky shot mo kapatid, ipagpatuloy mo lang ang iyong misyon..
pero tanong ko lang, bakit kapag formal shots na, mukha ka pa ring wacky..
nyehehe..biro lang..
Anti-hillsongs ka ba?..
mahilig ka bang makinig ng hillsongs?
ako? oo naman.. wala namang masama.. pero ewan ko ba ang iba, gumagawa ng sariling doktrina..
hindi raw maganda ang mga kanta ng hillsongs..
masyado raw maingay, hindi na makalangit..
masyado daw commercial na..
in my opinion,
kanta naman na maka-Diyos.. ok nga eh...
at kung hindi naman dahil sa hillsongs, hindi rin mai-inspire ang karamihan na gumawa ng mga sariling kanta at magkaroon ng sariling album..
as a christian, dapat naman na igalang natin ang mga kantang ito.. kung ayaw natin.. eh di mag compose tayo ng mga kanta. hehe
ano mang uri ng kanta, mabilis man o mabagal.. rock man o hymn.. walang masama, basta nagbibigay ng karapat-dapat na papuri sa Diyos..
Baka naman ang iba kaya ayaw sa hillsong ay gusto kanta nila ang kantahin natin.. No way highway. hehe
bakit hindi na lang mga maka-demonyong kanta ang bigyan nila ng pansin at puna?
burp...
Friday, January 8, 2010
matino ka ba?
kapag..
kumain ka ng bubog ng 1 litrong bote
hindi huminga ng 10 minuto
nag-stay sa sementeryo ng 3 buwan ala PBB
ginawang gatas at ininom ang nivea milk
kinanta ang "lupang hinirang" (kahit naka back-mask ito)
inubos ang free-taste na hotdog sa supermarket.. at humingi pa ng panulak.. (Tulakin kita diyan)
nakipaghabulan sa mga bubuyog kasi gusto mong lumamon ng honey
sinangga ang mga bala ng armalite gamit ang table tennis racket
sumigaw ng SUNOG sa loob ng fire department
inaresto ang pulis gamit ang batuta at posas na hawak mo
umiyak sa isang comedy bar
tumawa ng malakas sa isang lamay
nilapitan ang patay at pagkatapos ay sinabihan ang mga tao, GUMAGALAW SIYA..
inapakan ang namamagang in-grown na kuko (tama ba?) ng katabi mo
sinira ang pader ng bahay niyo dahil hinaharangan ang signal ng cellphone mo
sumisid sa kumunoy
**BABALA
kung isa man sa mga ito ay iyong ginawa, HINDI KA MATINO at marahil ay naghihingalo ka na, patay, nasa kulungan.. hehe..
Thursday, January 7, 2010
ayoko na poh...
madali lang mag-text..
sobrang dali..
ewan ko lang kung bakit pinapahirapan ng iba..
sige poh..
xenxia na poh..
uuhmmm.. favor poh..
fernando poh..
sa aking pagkaka-alam.. kaya tayo nagtetext ay para mas madaling maintindihan at mas mabilis ang dating ng ating mensahe..
maiintindihan mo pa ba kung?
sample:
di q lam kung xan..wag ka mxado makul8. bsta andun lhat ng ppolzzz.. xenxa na, d qoh galetz, ayoqo lng ng makul8
cge poh, nakaka-boring dto. (haha)
hai naku poh..
ISTORBO.. hehe
Friday, January 1, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)