Monday, November 17, 2008

Mga imbensyon ni manong

Matagal na pala ang huling paglagay ko ng "bleg", panahon na para mag-sulat muli ng walang kawenta kwentang artikulo. naks.. artikulo daw..

Hindi ako imbentor,.. pero kung sakaling mabigyan ng pagkakataon na maka-imbento eto lang ilan sa mga gusto kong imbentuhin para kahit papaano eh magulantang ang ating mga tahimik na buhay.. hahaha

Ang LISTAHAN,

HOSELESS DEXTROSE
.. - San ka pa?? Istorbo kasi ang hose, lalo na kung jijingle bells ka.. gets mo? Isama mo pa ang bitbit mong stand na parang may hawak kang estatwa. Pero siguro nagtatanong ka nung saan ilalagay ang bote ng dextrose.. hmm.. eh di sa kamay.. hahaha

10 wheeler na dipidal - sabi nila tataas daw uli ang presyo ng gasolina at diesel sa susunod na taon, eh di tamang tama ito... di na kailangan ng petrolyo para umandar.. ang kailangan lang ay ang iyong mga paa.. oh yeah.. (flintstones)
WARNING: KALYO ang abot ng paa mo..

MOLAR TOOTH CELFON - ang ideya (oohh ideya, datapuwat subalit)  ay galing kay Boy Baldomaro (hindi yung kontrabida), .. itong celfon na ito ay hindi na kailangan ng charger.. laging may signal at hindi nauubusan ng load.. (sarap naman)
may slight problem lang : Imagine mo nga kung may kausap ka, gamit ang iyong molar tooth celfon.. at hindi pala ikaw ang gusto niyang makausap kundi ang kasama mo.. Sige nga, ipasa mo nga ang iyong phone. eeewwww :-)

PANGET DETECTOR - salamat tito boy sa gadget na to. hehe. Ang tunay daw na kagandahan ng isang tao ay nakikita sa loob.. talaga lang ha.,.. hahaha..
Ang gadget na ito ay ginagamit sa mga oras na hindi mo alam kung ang isang tao ba ay maganda o panget.. Kapag tumunog ng malakas, ibig sabihin yun na yun.. pero pag hindi tumunog, baka low batt.. check mo

KUNTADOR NG KURYENTE NA INSERT COIN - ang taas na ng singil sa kuryente, kaya dapat magtipid.. tutal nauso na ang videoke at music box na tig 5 pesos kada kanta.. naisip ko, maganda kung meron din ganito sa kuryente.. prepaid kumbaga ang kuryente..
BAYAD MUNA BAGO NOOD TV, KINIG RADIO, ANDAR REF...
ang saya nun. wahaha

ang dami ko pang gustong imbentuhin, pero tama na muna ito..
tsaka na yung

solar flashlight

uling generated computer

chopstick, toothbrush, coffee mug, ballpen na pang left handed

kanal water purifier

yan muna mga fans... (talaga lang ha,.. hahaha)

 

Friday, October 24, 2008

Ang pagbabalik ni bleg boy,,

Hi mga fans, (boots, bruno and ben10).. medyo matagal na rin akong hindi nakakasulat ng blog.. nakakamiss din. kasi naman these past few days (yeah nosebleed), di ako masyado
nagchecheck ng mail at multiply. Di ko alam kung bakit, siguro nagpapamiss lang :-)

May mga katanungan sa aking isip na hindi ko masagot-sagot, baka ikaw alam mo



Bakit life jacket ang binibigay sa pasahero ng eroplano kapag malapit na mag crash, di ba dapat PARACHUTE???



Paano ba mag-duet ng mag-isa?



Pwede na ba tayong mag night swimming ng umaga?



Bakit hindi nakakatawa si Joker?



Naniniwala ba si Superman sa mga maligno kaya nasa labas ang underwear niya?



Nabusog ka na ba sa sobrang gutom?



Kelan ka huling nagpapicture ng 1 x 1 whole body?



Totoo bang safeguard ang sabon ng ating konsensya?



Thursday, October 2, 2008

Tatum's wedding




Last year pa ito, sa Canyon Woods, tagaytay.. may nagrerequest kasi sa kampana. kaya eto na bradikoy. yeah. hehe

Monday, September 22, 2008

pagbati

Doc Fe, sisterhood.. pagbati po para sa mga bday celebrants.. salamat

Deac Arlene - Kamusta na po? Sorry? Hehe. Salamat po sa pag-abot ng allowance nung andyan ako, wag kang magsasawa. Joke. Nakakamiss ang smoothie.. sayang lang at hindi ako nakatikim nung andyan ako last time. Malapit na tayong magkita-kita diyan. Keep on serving the Lord, You are blessed always ate. God will reward you for your faithfulness.

Ate Gie – Ati!!!! kamustasa? Salamat sa DVD ng helsong ba? Hehe.. Natutuwa ako at ikaw ay nakauwi na.. Alam kong miss na miss ka na nila diyan. Patuloy lang kay Lord, alam mo naman ate yun, remember nung nag-usap tayo? Wag kang mag-alala, si Lord bahala sa mga anak mo. Basta serve lang kay Lord and submit, ibibigay din niya ang desires ng heart mo.

Deac Elvie – Ate Basang.. oopsss. Sorry, deac elvie na pala.. hehe.. Salamat po sa pagiging ate pag andyan ako. Sobrang alaga, kulang na lang, ikaw na magpalit ng pampers ko. Haha.. hayaan mo, pag dating ko dyan. Pagbibigyan kita na pulbusan ako sa likod. Hehe.

Ptra Mila – Ptra Miles, kung mayroon man akong maaalala sayo, ay yun ang KURKUR,. Na hanggang sa ngayon ay hindi ko pa rin alam ang ibig sabihin. Salamat sa pagtugtog, practice lang po ng practice.. magdadala ako ng mga bagong materials pag dating ko diyan. Regards po ptra

Ate Romela – Besfrend.. ano? Nosebleed ka na ba kay brother eihab? Hinay hinay lang.. hehe. Pagbalik ko diyan, samahan mo ako, bili tayo ng pabango. Haha. Magpakabait ka, bisayang to. Luv you all


Doc Fe and Sisterhood - salamat po sa inyong dalawa.. pa print ha. . Miss ko na kayo lahat diyan..

Sa mga kasisteran diyan, WALANG MAG-AAWAY, AAWAYIN KO KAYO.. hehe..Love one another

Ptra Joan And Elder Santi.. Pahingi po ng mr. juicy!!! hehe

Sunday, September 21, 2008

Ang celfon.. bow.. at ang text messaging.. bow ulit..

Bakit ako dalaw ng dalaw dito pero hindi naman ako nag-iiwan ng mensahe?

kasi playing hard to get ako
 
 3

kasi wala akong taste
 
 0

kasi "class ako" (talaga lang ha)
 
 0

Text capital of the world daw ang pinas.. di nga? talaga lang ha.... kung sa bagay, kahit saan ka mapalingon lahat ng tao may hawak na celfon. (hindi naman lahat, pilosopo), Yung magbabalot sa kanto, jeepney driver, embalsamador, snatcher. basta halos lahat meron..

Nung unang panahon, mga 12 years ago, hindi naman masyadong pinapansin ang celfon na yan.. sabi nila "pang mayaman lang yan". Siguro dahil mahal pa nun, at palusot na lang ng mga igno. hehe. peace

Pag may mobile phone ka na noon, WOW sikat!. parang celebrity,,
Take note mga brothers, naglalakihan pa ang mga celfon nun, usong uso ang mga pang kayod ng yelo para sa halo halo,, (Motorola microtac). hehe.. Nakasukbit pa yan sa mga tagiliran. Ang LAKEEEEEEEEEEEEEEE.. Deadly weapon

Dati pa nga, sa aking pagkakaalam.. ang text message ay ginawa lang para sa mga deaf and mute.. Siyempre nga naman, para may ways of communication din sila.. english na naman.. yehey. eh kaso, nainggit ang mga abnormal na katulad ko, naki text text na rin..

Sa mga hindi nakakaalam, grabe ang unlimited texting nun,. daig mo pa ang adik sa pagiging SABOG. walang tulugan (Kuya germs). Mura pa nga, apply ka ng unli, for 3 months yun. san ka pa? ;pudpudan na to,.

Isa dating "luxury" ang celfon sabi nila, pero ngayon isa na siyang necessity.. EXPLAIN KO? ayoko nga.

Uso pa ang party line noon, pero nung nagkaroon ng celfon.. txt txt lang.. ayun..mag  gelpren na kayo, PISO lang pala katapat. hehe

5110.. yan.. ang celfon na merong snake na laro.. usong uso yan noon.. pag wala kang 5110 nun, parang wala kang braces o havaianas o psp o washing machine?

Naalala mo pa ba ang RINGO? haha.. yun ang deadly weapon.. Nokia celfon na sa gitna ang antenna..

Antenna? OO naman, may antenna ang mga celfon nun.. baket? sa tingin mo yang celfon mo ngayon walang antenna? hello? INTERNAL.. tsk tsk tsk


.. may nagrequest po kasi.. kaya eto po.. READABLE na ang BLOG.. EDIBLE pa..

Thursday, September 18, 2008

Sige, kain lang ng kain (eat all you can)

Kainan? game! hehe..

sabi nila, we eat to live, pero bakit ang iba, they live to eat (naman).

Nasubukan mo na bang kumain sa mga restaurant na "Eat all you can"..
masarap, madami, parang wala nang bukas

Mga ilang beses ko na rin natikman na kumain sa mga ganyan, madaming nakakatawa at hindi malilimutang eksena.. hahaha. akin na lang yun.

sabi nila, pag kakain ka daw sa mga One to sawang ganito, dapat hindi ka pa talaga kumakain.. yung parang nag fasting ka maghapon para sa gabi ka lang lalamon..
ayan ang strategy. talaga nga naman.. ang resulta, EMPACHO!

masusulit mo naman ang binayad mo na 699++, 499++ or 110++ kung ganyan ang iyong strategy.. pero kung aaraw arawin mo. naku, baka naman maging kasing laki ng equator ang waist line mo brother.

madaming ulam na pagpipilian: adobong baboy, afritadang manok, kalderetang baka, inihaw na tilapia, daing na dilis, relyenong tinapa.. meron ba nun?

pero may misteryong bumabalot ata sa mga restaurant na ito, (hindi lahat, 90% lang. hehe)
di ba kayo nagtataka at parang mabilis ka mabusog?

sabi nila, meron daw nilalagay na pang-paumay.. ano yun? totoo kaya? are you sure?
eh bakit walang epekto sa akin.. hehe

3 rules pag kakain ka:

1. NO leftovers - bawal daw ang may tira sa plato, kasi madodoble ang babayaran mo.
- kaya siniksik namin noon sa loob ng shell ng kuhol yung mga tira namin..
   
2. NO sharing - bawal daw ibigay sa iba ang hindi mo kayang ubusin, KKB kasi.. KANYA KANYANG BANAT

3. NO take home.. naman, common sense.. kasi pag pwede ito gawin, ilalagay ko lahat sa food warmer namin ang mga ulam at ibibigay sa feeding program ng baranggay.

CLEAN PLATE sabi pa.. aba aba.. ano gusto nila? hugasan ko yung plato ko?

Wednesday, September 10, 2008

Ang walang kakupas-kupas na home shopping networks

Ito'y isang suggested na topic ni ate fibi na asawa ni mykel na tatay ni rr, etc. etc. etc.

Wala akong balak awayin na produkto o ano mang channel, obserbasyon lang po ng isang walang magawa sa buhay kung hindi mang-asar ng mga pikon..

Ang mga home shopping networks ay nagkalat na parang kabute, ang daming binebenta. pampapayat, pampataba, pampa long hair, pampatangkad.. sari sari, parang assorted na iba iba (ano daw?)

Nakaka-aliw lang panoorin minsan ang mga ganito, hindi nga nakakasawa kahit 5 beses yata ulit ulitin ang presyo sa bawat infommercial.

"2, 995"
"that's 2,995"
"again, the price is 2,995" 
"Wow, what an incredible offer"

talaga lang ha?, may butal pang 5 piso ha para maging 3,000 na.. ayun eh, marketing strategy. clap clap clap

siyempre, may pahabol pa yan..

"but WAIT"
"if you call now within the next 10 minutes, we'll slash 500 pesos off"
"giving you the total of 1,495 pesos"
"WOW"

eh di ikaw naman, dali daling hinanap ang telepono sa pag-aakalang matatapos na ang promo at takot kang hindi makahabol.. NAMAN.. sige, maniwala ka. hahaha.. style lang yun. siyempre yun lang ang way para mapatayo ka sa kinalalagyan mo at kunin ang telepono para mag-order..

may sasabihin pa yan na..
'WHAT ARE YOU WAITING FOR?? pick up the phone and call us now"
wow na naman, DEMANDING.. bakeet? close ba tayo?

para bang may surveillance camera sa loob ng bahay niyo na naka hook up sa network nila at alam na alam nila na hindi ka pa interesado kaya panay ang pilit hanggang sa bumigay ka na at bumili ng produkto..

At ang mga nakasubok na "daw" ng mga produkto ay mang eengganyo din sayo na bumili..

May paiyak-iyak pa yan

"After using _______,  (hikbi) my life changed" "Thank You _________, you're the best"

best actress.. pang FAMAS.

May ab roller, ab rocket, ab sculpt, ab cure, ab flex,  aba aba, andami namang abs.. buti na lang hindi ko na kailangan ng mga yan, hello?? 10 pack ang abs nito dong.

Instant fisherman, instant roller, instant lift, instant mami????

HIndi ko naman nilalahat, marami din namang totoong gumaganang produkto na binebenta ang mga spongkel na to,.. alam mo kung bakit ko alam?

siyempre, nakabili na rin ako... woohoo... mga 3 na siguro yun.. secret na lang kung ano yung mga yun.
harharhar..

peace