Tuesday, October 11, 2011

capsule!!

Isang kaklase nagtanong..
- kuya ano yan? yan ba yung tinatawag na capsule?
- tablet ito, hindi capsule.. (hehehe)

isa pang hirit..
- ahh, wifi zone din ba yan??
- Waaaaah!!! i give up. hehe

overheard again uli.. hahahaha


Nanay kinakantahan ang anak...

How much is that doggie in the window?? AW AW!!


wow, filipino version.. hehehe

ano ang kasabihan ng mga cannibal??


You are what you eat!!! hehe

Thursday, September 22, 2011

Motif or motive??

Nasa mall ako nung isang araw, tinatanong ako ng salesman kung ano daw ang MOTIVE ko sa christmas tree? hahaha.. sasagutin ko sana na, gusto ko kasi mag celebrate ng Christmas.. hehehe. pero alam ko naman ibig niyang sabihin, kaya tumawa na lang ako sa isip.. (ISIP: hihihihi) :-)

Saturday, June 25, 2011

ikaw lang ba ang meron??

Sa isang tindahan..

Napansin ko ang isang babae na may dalang gamot.

Ako: ate para saan yang gamot na yan?

babae: para sa anak ko, May TONSIL kasi siya eh..

Ako: bakit ate? siya lang ba ang meron??? ano tingin mo sakin? walang tonsil?

Baka naman sabihin mo sa susunod may APPENDIX ka!!


biro lang.. hehehe

mais mais..

Sa palengke..

Ako: ate ano 'tong tinda niyo na mais? anong klase?

tindera: ay matamis yan, SWEAT CORN YAN..

ako: (eewwwww)

food in your mouth..

bakit ganun?

napansin niyo ba ang mga advertisement sa TV? yung commercial ng APPEBON, TJ Hotdog, Crispy fry chicken at marami pang iba..

bakit hindi nila kinakain ang MGA PAGKAIN???

kunyari sinusubo pero hindi naman kinakain.. asus!

di ba nila alam, na maraming nagugutom sa mundo ngayon? tapos kunyari lang susubo subo ng pagkain. NAKAKABITIN!

haha.. wala lang.

Monday, June 20, 2011

Gym boy!

papasok sa gym..

"concerned": uy brian ang taba taba mo na ngayon ah..

SAGOT #1

ako: ganun ba?, thank you ha.. wala kasing salamin sa bahay namin eh. di ko tuloy nakikita ang sarili ko, na tumaba na pala ako.. thank you talaga.


SAGOT #2

ako: ahhhh,. kaya siguro nasa gym ako ngayon.. para magpapayat. kasi kung walang problema sa katawan ko siguro wala ako dito ngayon.. sa tingin mo?


istorbo.. hehe

Wednesday, June 15, 2011

Naisip mo na ba?

bakit hindi parachute ang binibigay sa mga pasahero ng eroplano?.. bakit life vest?

ahhh.. siguro yung parachute para sa mga pasahero ng barko..


istorbo.. haha

Boarding gate..

Sa boarding gate..

Babae sa harapan ko: Haay.. sana MALAKING JUMBO jet sakyan natin..

Babaeng katabi: Oo nga..

ako: (sa isip) wow, nagkasundo.. :-)

White a minute..

Sa isang student body org..

boy 1: Ano yang damit mo?

ako: white..

boy 1: bakit ang dumi?

ako: Dirty white.. DUH!

philharmagic..

Overheard..

babae 1: Isuot mo na yang glasses mo, papasok na tayo sa philharmagic theater..

babae 2: bakit naman?

babae 1: eh kasi 3G yang papanoorin natin.. 3G!!!

ako: (sa isip) ok fine.. hahaha