Friday, January 8, 2010

matino ka ba?


kapag..

kumain ka ng bubog ng 1 litrong bote

hindi huminga ng 10 minuto

nag-stay sa sementeryo ng 3 buwan ala PBB

ginawang gatas at ininom ang nivea milk

kinanta ang "lupang hinirang" (kahit naka back-mask ito)

inubos ang free-taste na hotdog sa supermarket.. at humingi pa ng panulak.. (Tulakin kita diyan)

nakipaghabulan sa mga bubuyog kasi gusto mong lumamon ng honey

sinangga ang mga bala ng armalite gamit ang table tennis racket

sumigaw ng SUNOG sa loob ng fire department

inaresto ang pulis gamit ang batuta at posas na hawak mo

umiyak sa isang comedy bar

tumawa ng malakas sa isang lamay

nilapitan ang patay at pagkatapos ay sinabihan ang mga tao, GUMAGALAW SIYA..

inapakan ang namamagang in-grown na kuko (tama ba?) ng katabi mo

sinira ang pader ng bahay niyo dahil hinaharangan ang signal ng cellphone mo

sumisid sa kumunoy


**BABALA
kung isa man sa mga ito ay iyong ginawa, HINDI KA MATINO at marahil ay naghihingalo ka na, patay, nasa kulungan.. hehe..

Thursday, January 7, 2010

ayoko na poh...


madali lang mag-text..
sobrang dali..
ewan ko lang kung bakit pinapahirapan ng iba..

sige poh..
xenxia na poh..
uuhmmm.. favor poh..
fernando poh..

sa aking pagkaka-alam.. kaya tayo nagtetext ay para mas madaling maintindihan at mas mabilis ang dating ng ating mensahe..

maiintindihan mo pa ba kung?

sample:

di q lam kung xan..wag ka mxado makul8. bsta andun lhat ng ppolzzz.. xenxa na, d qoh galetz, ayoqo lng ng makul8
cge poh, nakaka-boring dto. (haha)

hai naku poh..

ISTORBO.. hehe

Friday, January 1, 2010