Wednesday, July 7, 2010

ano daw yun?

Brian: ang hirap din ng ginagawa niyo ah, pag stand up-comedian dapat witty ka. impromptu kasi

Stand-up comic: oo, dapat talaga magaling ka sa IMPRONTO..

Brian: ah ok, nice talking. haha

how can i?

how can i? ... di kita iiwan sa paglakbay...
dito sa mundong walang katiyakan.. hahaha..

matagal-tagal na rin na hindi nakakasulat sa mahiwagang blog site na ito..

miss ko na rin ang adobong pusit.. magparamdam ka naman, kahit isang tinta lang diyan.. hahaha

nyt nyt

Wednesday, March 17, 2010

Battle of the Brainless

-- share ko lang, hindi ito galing sa akin.. pero nakakatawa talaga.. hehe

Q: What is the national Bird of the Philippines?
Clue: It’s name starts with the letter “M” (Maya).
A: Manok
Q: Hindi, brown ang kulay nito.
A: manok na pinirito.
Q: Hindi, mas maliit pa dyan.
A: Maggi chicken cube.

Q: Saan tayo madalas pumunta pag summer upang maligo?
Clue: Nagsisimula sa letter “B” (Beach).
A: Banyo.
Q: Hindi, pag pumunta ka doon naarawan ka.
A: Bubong.
Q: Hindi, pag nandoon ka na marami kang makikitang babae na naka-bikini.
A: Beerhouse!

Q: What is the national flower of the philippines?
Clue: It starts with the letter “S” (Sampaguita).
A: Sunflower.
Q: Hindi, binebenta ito sa kalye.
A: Stork.
Q: Hindi, bulaklak sabi, eh.
A: sitsarong bulaklak!
Q: hindi pa rin. Ang ending nya ay letrang “A”.
A: Sitsarong bulaklak na may suka.
Q: O, para madali ha, uulitin ko ang clues at dadagdagan ko pa: pangalan ng bulaklak na nag-sisimula sa letter”S”, nag-tatapos sa letter “A” at kapangalan ito ng isang sikat na singer.
A: Si Sharon Cuneta!

Q: Sino ang kauna-unahang chess grandmaster of Asia?
Clue: Kapangalan nya ang tao ng chess (Eugene Torres).
A: Carole King.
Q: Hindi, mas mababa sa “King”.
A: Al Quinn.
Q: Hindi, Filipino ang apelyido nya.
A: Armida Siguion-Reyna.
Q: Hindi pa rin, mas mababa pa sa “Reyna”.
A: Bishop Bacani.
Q: Mas mababa pa sa “Bishop”.
A: Johnny midnight “Knight”.
Q: Mas mababa pa sa “Knight”.
A: Jerry Pons (Pawns)?
Q: O ayan ha. Nabanggit mo na ang lahat ng piyesa. Yung kahulihulihang piyesa na lang.
A: Sylvia la Torre!

Q: Sino ang National Hero na naka-picture sa 500-peso bill?
Clue: Ang initials nya ay “N-A” (Ninoy Aquino)
A: Nora Aunor.
Q: Hindi, ang last letter ng kaniyang palayaw ay “Y”.
A: Guy Aunor?
Q: Hindi, dati syang naging Senador.
A: The former Senador Nora Aunor.
Q: Hindi, patay na sya!
A: Patay na pala si Nora Aunor????????

Q: Who is the national Hero of the Philippines?
Clue: Ang initials nya ay “J-R” (Jose Rizal)
A: Jerico Rosales
Q: Hindi, mas maliit sya keysa kay Jerico.
A: Jeric Raval
Q: Mali, isa syang Doktor.
A: Dr. Jeric Raval!!!

Q: Sino ang pumatay kay Magellan?
Clue: Ang initials nya ay “L-L” (Lapu Lapu)
A: Lito Lapid
Q: Hindi, inuulit ang kanyang pangalan.
A: Lito Lito Lapid Lapid!!!!

Q: Ano ang pambansang hayop?
Clue: naguumpisa sa letrang K (Kalabaw)
A: Kuto!!
Q: Mali, Ito ay nakikita sa lupa
A: Kutong Lupa!!!

Friday, February 19, 2010

sino ba ang dapat sisihin?


kung bakit itim at uwak?
pero hinihintay mo maging puti..

kumain ka ng panis na ulam at hilaw na kanin.. (hilaw? - hmmmm.. eh di hindi pa dapat tawagin na kanin, "binin" o kaya "kagas" na lang (bigas at kanin na pinag-sama)

nasa loob ka ng isang airconditioned room nang may nagrelease ng chemical weapon (you know...)
at ang masaklap.. walang umamin, (eh 2 lang kayo sa kwarto)

nakainom ka ng lason na expired

na-empacho ka sa sobrang katakawan

kung akala mo na-late ka na sa party pero pagdating mo sa venue, bukas pa pala yung party..


malay ko, basta wag ako sisihin mo.. siya, hindi... siya ang sisihin mo,..


wow men, labo :-)

may kilala ka ba na?


gusto ang amoy ng gasolina

kumakain pa rin ng cerelac kahit hindi na bata.

nilalagyan ng alcohol ang kama bago tulugan

hindi umiinom sa baso ng iba kahit magulang, kasintahan o kapatid

ayaw sa mga coins

kumakain ng caramel sundae with ketchup

at lahat ng karne (kahit may sabaw), dapat may ketchup

magulo matulog.. sobraaaaa

allergic sa sili pero mahilig sa maanghang..

takot sa dugo at injection

tumatawa kahit mag-isa



hmmmmmm...

ako meron :-)

Wednesday, February 10, 2010

wacky tayo..


ehem..

pansin niyo ba? laging may wacky shot pagdating sa kodakan...

ewan ko kung bakit..

pero ayaw ko nang magdunung-dunungan.. basta, ang sabi nila excuse lang daw ng mga pangit yan..

kasi daw, lahat ng mukha ay deformed kapag wacky shot.. hindi halata ang kapansanan..

"WACKY TAYO".. sigaw ng hindi kapansin-pansin na kawawang paslit.. hehe

kaya next tym na may kodakan, ayaw kong ako ang magsabi..

hihintayin ko na lang may sumigaw.. "TARA, WACKY NAMAN"

mahirap na, baka mapagtawanan. hehe


PAALALA LANG:
hindi ako against sa wacky shot mo kapatid, ipagpatuloy mo lang ang iyong misyon..
pero tanong ko lang, bakit kapag formal shots na, mukha ka pa ring wacky..



nyehehe..biro lang..

Anti-hillsongs ka ba?..


mahilig ka bang makinig ng hillsongs?

ako? oo naman.. wala namang masama.. pero ewan ko ba ang iba, gumagawa ng sariling doktrina..
hindi raw maganda ang mga kanta ng hillsongs..
masyado raw maingay, hindi na makalangit..
masyado daw commercial na..

in my opinion,

kanta naman na maka-Diyos.. ok nga eh...
at kung hindi naman dahil sa hillsongs, hindi rin mai-inspire ang karamihan na gumawa ng mga sariling kanta at magkaroon ng sariling album..

as a christian, dapat naman na igalang natin ang mga kantang ito.. kung ayaw natin.. eh di mag compose tayo ng mga kanta. hehe

ano mang uri ng kanta, mabilis man o mabagal.. rock man o hymn.. walang masama, basta nagbibigay ng karapat-dapat na papuri sa Diyos..

Baka naman ang iba kaya ayaw sa hillsong ay gusto kanta nila ang kantahin natin.. No way highway. hehe

bakit hindi na lang mga maka-demonyong kanta ang bigyan nila ng pansin at puna?


burp...

Friday, January 8, 2010

matino ka ba?


kapag..

kumain ka ng bubog ng 1 litrong bote

hindi huminga ng 10 minuto

nag-stay sa sementeryo ng 3 buwan ala PBB

ginawang gatas at ininom ang nivea milk

kinanta ang "lupang hinirang" (kahit naka back-mask ito)

inubos ang free-taste na hotdog sa supermarket.. at humingi pa ng panulak.. (Tulakin kita diyan)

nakipaghabulan sa mga bubuyog kasi gusto mong lumamon ng honey

sinangga ang mga bala ng armalite gamit ang table tennis racket

sumigaw ng SUNOG sa loob ng fire department

inaresto ang pulis gamit ang batuta at posas na hawak mo

umiyak sa isang comedy bar

tumawa ng malakas sa isang lamay

nilapitan ang patay at pagkatapos ay sinabihan ang mga tao, GUMAGALAW SIYA..

inapakan ang namamagang in-grown na kuko (tama ba?) ng katabi mo

sinira ang pader ng bahay niyo dahil hinaharangan ang signal ng cellphone mo

sumisid sa kumunoy


**BABALA
kung isa man sa mga ito ay iyong ginawa, HINDI KA MATINO at marahil ay naghihingalo ka na, patay, nasa kulungan.. hehe..

Thursday, January 7, 2010

ayoko na poh...


madali lang mag-text..
sobrang dali..
ewan ko lang kung bakit pinapahirapan ng iba..

sige poh..
xenxia na poh..
uuhmmm.. favor poh..
fernando poh..

sa aking pagkaka-alam.. kaya tayo nagtetext ay para mas madaling maintindihan at mas mabilis ang dating ng ating mensahe..

maiintindihan mo pa ba kung?

sample:

di q lam kung xan..wag ka mxado makul8. bsta andun lhat ng ppolzzz.. xenxa na, d qoh galetz, ayoqo lng ng makul8
cge poh, nakaka-boring dto. (haha)

hai naku poh..

ISTORBO.. hehe

Friday, January 1, 2010