Tuesday, July 29, 2008

Recon praktis - July 19 and 20, 2008




wala lang uli.. mga kaartehan. haha

Simple autograph...

Name: Primitivo Porkopyo
Nickname: Pork
Define love: Love is sweet, but you cannot eat (adik)
Languages you can speak: Filipino, English ( how are you?) , Korean (yoboseyo - isang word lang alam, pero korean language daw alam na, i'm sure :-) )
Favorite dish: French (toast), Italian (spaghetti).. -- oo nga naman
Describe yourself: I'm simple (kapal), humble (yabang), mabait (wushu)
Motto: Try and try until you succeed. (wow orig)
Dedication:
Dear Friend,
Thanks for letting me sign in your cute autograph



Gusto ko yan.. gusto ko nun.

Bakit kaya ganun? Kung ano yung wala sa atin, Yun ang gusto natin..

Ang mga payat gusto maging mataba.

Ang mga mataba gusto maging payat,

Ang mga normal na tao gusto maging abnormal (hehe)

Kagulo talaga..

Ang mga puti nagpupunta sa beach para mag pa "tan"..

Ang mga maiitim, ayaw lumabas ng bahay. (hala ka,,, nandyan na ang araw)

Ako? Ok na ko maging ganito.. super cool.. simple, humble, gwapo, payat.. Ok na to talaga, wala na akong hahanapin pa eh. Haaay, iba na talaga ang walang kapintasan..

WAAHHH!!!!! joke..




SIDE VIEW..

Kahit saan ka mapatingin (friendster, multiply, facebook, at kung ano ano pa), kadaming ganitong "angle" sa mga primary pic. Di ko rin maintindihan kung bakit. Siguro mas magandang tignan, (para kunyari payat ang mukha). o para siguro maiba lang. May pa side view pang galing sa taas (huh?).
Parang nagpa-photoshoot. Pero kanya-kanyang trip yan. Walang pakielamanan (hehe)..

Ang pagkakaalam ko, matagal nang kinukunan ang mga tao sa ganyang anggulo, mga panahon pa lang ni FPJ (nakita ko sa college yearbook ng tatay ng klamsmeyt ko nung hayskul).. Naks naman, WOW philippines ang patilya.. parang ulam.  Kulang na lang KANIN, at solve na tayo. haha.

Pero may pagkakaiba naman, ngayon medyo kita na rin ang kabilang side ng mukha. At may pa nguso nguso pang nalalaman. :-) ang galing.. pouting leps.. (sadya yan, hendi ako nagbebero). At tsaka syempre, yung iba maglalagay pa ng sandamukal na johnson's baby powder o kung wala namang ganun, gawgaw na lang. Basta para lang matakpan ang tunay na kulay. At para masabi ng mga makakakita sa kanya (wow, ang puti, parang pasalubong galing bulacan).

Di ko matiis, kaya sinubukan ko na rin. Para namin "in" na rin, kinunan ko ng picture ang aking pinakamamahal na mengky (super sleng)..

Totoo nga, mas magandang tignan pag side view.. Bravo.,, clap clap clap..




PAHABOL

eto na mga sisterhood at brotherhood..  may pagka emo pa yan... hehe.. (oo, alam ko nakita niyo na to sa isang album, so? .. naka-pout na ang lips niyan.. haha.. sorry naka-bday suit siya,,,. harhar hagustin








eto pa.. magsawa kayo.. hehe.. joke. God bless :-)


naks naman.. from the ibaba ang kuha.. parang modelo ng lion tiger katol














aba.. kunwari stolen shot.. hehe.. pero prepared naman.. mukhang tarsier na galing bohol..












tignan mo nga naman, may pa nganga-nganga pang nalalaman.. parang gusto ng dede.. hehe












ano naman to? aaahhh.,. lam ko na, reject ng bantay bata.. mukha kasing unggoy.. haha.. unggoy nga pala.










hapi na kayo? pakiusap lang sa mga nagbyu-view diyan, mag comment din naman kayo. bawal dito ang playing hard to get. hehe. o kaya add me as a friend, or lover, or sorority sister, bahala kayo.

joke3. love you all.  

Wednesday, July 23, 2008

Mali KA!!, Stapegi yun..

Hi fans.. (naks, 10 million)

Ayoko na sanang isulat, baka kasi awayin ako ng mga magulang nila.. pero sige, eto na nga.. habulin niyo na lang ako.woohoo..

Mga salitang tama sa tingin ng mga bata-batuta.. (julia, matthew, rr)

Ang glas (eyeglass)
Comfiter (Computer)
Chungching (Chinese)
Lilikapter (Helicopter)
Tit-tala (Krystala)
Bawerfly (Butterfly)
Pispi (PSP)
Atas (Taas)
Framp (Frank)
Flok flok (Remote controller)


at marami pang iba, wala naman sigurong deadline.. next time na lang ha, mga readers ko (feeling).










Second Chances

"I knew that You are a gracious and compassionate God, slow to anger and abounding in love, a God who relents from sending calamity." Jonah 4:2

Have you ever gone through a time of disobedience with God? Jonah was a prophet of God who decided he didn't want to prophesy for the Lord. God wanted him to deliver a message to Nineveh to warn them against impending destruction if they didn't turn from their ways. Jonah had developed a hardened heart toward the people of Nineveh. He didn't really care if they repented or not; so rather than travel to Nineveh and deliver the message, he hopped a boat in the opposite direction. You probably know the rest of the story. He was eaten by a fish and spent a few days thinking about his decision.

There is a place where we all will obey. What circumstances must take place for us to become obedient? For some of us, it requires a good shakeup. For Jonah, it required a big shakeup because he was God's man to save 120,000 people. He was chosen by God to be used by God, and God didn't give up on him.

God understands our disobedient heart. He sees what we really are; yet He gives second chances. God gave Jonah a second chance. He gave the people of Nineveh a second chance. It is a lesson of love from a heavenly Father who specializes in second chances. Have you blown it? Have you disappointed someone close to you? God is the God of second chances. All we have to do is acknowledge our waywardness. He will restore. He will give grace. Ask Him.


by Os Hillman

HELP!!! Somebody's nephew was abducted.. let's pray

Link

Saturday, July 12, 2008

Introducement (hindi ako spongkel, ok?)

Paalala: hindi mga tunay na pangalan ang gagamitin ko sa blog na ito, mahirap na at baka ma target.. nyehehe.. pero kung sakalin kapangalan mo.. wag masyadong maging bilib sa sarili kasi hindi ikaw ang kasama sa istorya. :-)


Totoong nangyari ito, nasa isang church ako sa hk (HONG KONG).. siyempre tapos na ang kantahan. time na para magpakilala ang mga first timers sa church..

first timer 1 (FT1) : Hi, I'm Linda Corpuz and I came from Tarlac, Philippines

FT2 : Hello brothers and sisters, I'm Christine Santos and I'm from Cebu, Philippines

tapos yung pang last, eto sabi niya..

FT3: Hi, I'm Mary Lagros, I'M IN THE PHILIPPINES..

ows? talaga? nasa pilipinas lang pala tayo.. hehe.. yehey, tumbling

My hi hi ha he...

Ngayon ko lang nalaman na magaling pala mag compose ng kanta si mateo na anak ni winston at ate quincy.. Seryoso, ang galing niya talaga.. As in, grabe, to the max.. Super mega over.. yeah, excitement.
Hindi mo ba kilala si mateo (matthew)?  Don't worry, hindi ka rin niya kilala.. bwahaha.. Pamangkin ko siya, para sa mga "sosyal" na engliski, he's my nefew?.any frablem? sabi nga nila, it's not my problem anymore, but it's your problem anymore!!! yeah (nosebleed). 
Madalas niya kasi itong kantahin..christian song ito, mabilis, galing hillsong australia.. sikat nga ito eh. para sa mga hindi alam yung kanta kahit sinabi ko na.. sorry, hindi ka updated.. haha.. peace. sige, eto na yung pre-chorus papuntang chorus..

Pre-chorus:
I'll raise a banner
'Cause my Lord has conquered the grave

Eto na
Chorus:
My hi hi ha he..
My hi hi ha he..
My hi hi ha he..
My hi hi ha he..


wushu.. i'm sure kinanta mo rin.. haha
ooopppsss,, before i forget, ang title ng song ay "My redeemer lives"  HA? hindi mo pa rin alam.. oh my gas!!

Wednesday, July 9, 2008

TARALETS

Naisipan ko lang ibahin ang words ng song na to.. few lines only (sosy.. hehe)

(ehem.. sing with me)

TARALETS, kain na ng PINAKBET!!
TARALETS  isama pa ang bagnet!

eto na, haha.. sorry 'cause this was my first time to join a pageant EVER,.. (ano?)

Verse 1

Wag kang mabibigla
Gugulatin kita
Wag kang magtanong
Kasi hindi ko alam
Wag mong pigilan
Wag  kang umihi dyan sa lata..  hehe

SOPAT..  (ngek. Parang sopas, kakagutom)

MY BROTHER IS NOT A PIG!!!

Talagang talaga.. this is very true (tru la lu la lu la -- tru la lu la leyn) alam niyo kung bakit.. dalawang puntos lang mga kapatid..

Una, I don’t have a brother (only sisterhoods)

Pangalawa, basahin mo na lang uli yung pang una!

Wala ka na naman magawa no, kaya binasa mo na naman  itong BLOG.. haay….

GUILTY MEANS TRUE

Uuuyyyy.. guilty means true.. galing di ba? grammar pa lang, ulam na.. sino ba naman ang hindi makaka-alala sa kasabihan na yan.. since (wow English) grade 1 pa yata yang “saying” na yan.   Pero alam mo ba ang ibig sabihin? Hindi pa? Ok ok, I will explain..

Ganito yan, example lang ha,.. kunwari ikaw ay inaasar sa isang klamsmeyt mo, at napikon ka.. kahit hindi mo siya cras ay nag-react ka pa rin.. ayun na,, tumpak!! Guilty means true!!

HINDI AKO SI BOB ONG!!

First of all, I would like to teyngk, our energeytik principal.. (hindi ito valedictory address).. siguro nag-iisip ka kung bakit yan ang title ng BLEG (yeah slang) ko ngayon.. ah, ewan. yan ang naisip eh, (panindigan na to). totoo naman kasi,
hindi ako si BOB ONG..
sikat yun, ako hindi.
payat yun (sabi nila), ako hindi.
tao yun, ako hindi.. hehe..

maiba nga tayo, how are you? kamusta naman si romano? (sino yun?).. ask mo si ate fibi, o di kaya you make tusok tusok na lang the fishball. (spongklong!). hmmm,, hindi ako galit, calm ako.. breathe in, breathe out.. whooooo... inhale aahh, inhale eehhh.. (ano na nga ba susunod?)..  ah lam ko na.. kadali naman.. common sense.. OUTHALE OUTHALE OUTHALE.. whew, smart ko talaga.. sobra, below sea level i.q..
sige sleep na ME (para sau to tomas- me me me me me).. hehe..

HK june 2008




well well well, si kuya alex and ate lanie ang mga first timers ngayon.. syempre, kulang na lang at makipaghabulan kay mickey mouse sa disneyland.. nyehehe.. peace. see you again soon sisterhood, eihab, doc fe, ptra, elder, brother, father, mother, brother, sister how do you brush your teeth? (labo).. :-)

UNITED LIVE 2008




Oo, alam ko at marami nang nauna na nag-post ng concert nila. SO? do re mi fa so? sorry, pero mas maganda ang camera ko, de-susi (pang corned beef).. nyehehe..

the singing bee, wheel of fortune taping




san ka pa? (ewan).. trip lang, nanood ng taping ng singing bee.. special thanks kay carla na friend ni rica na friend din ni mazing na kapatid ko na pinsan ni rachel at anak ni tita amy.. wow deep.

boots - king of the spongklongs and the 5 alalays




ang hari ng plaridel subd.. yeah!!! hindi aso, pero dog food ang kinakain. excitement. syempre kasama ang mga dupang sa pellets. haha